Chapter 01

355 11 0
                                    

Chapter 01

WARNING: THERE ARE SOME WORDS THAT AREN'T SUITABLE FOR YOUNGER AUDIENCES. READ AT YOUR OWN RISK.

Nagising ang diwa ko sa maingay na tunog ng aking alarm clock. Dali-dali ko iyong pinatay. Nahihimbing na sana akong muli dahil inaantok pa ako nang ang mga boses naman ang pumigil sa pagtulog ko.

"Hoy, Thyra! Bangon! May pasok pa kaya tayo. Ano tutulog ka na lang ba r'yan habambuhay?" May halong pagka-irita at pagsigaw sa tono ng boses. At ang boses na iyon ay galing kay Lyne. Boses niya iyon dahil alam kong siya lang ang laging nakasigaw.

"Lyne, 'wag ka ngang gan'yan manggising." Saad naman ng mahinahong tinig. Tinig iyon ni Rai.

"Hay naku, Rai! Sanay na sa akin si Thyra noh. Halos araw-araw ba naman ang paggising natin sa kaniya. Hindi pa ba siya masasanay?"

"Kahit na. Hindi pa rin ganiyan ang tamang pag gising sa taong natutulog."

Heto na naman nga silang dalawa sa kuwarto ko. At sigurado akong ang mama ang dahilan kung bakit narito silang dalawa.

Sa aming tatlo kasi ay ako ang pinakamahirap gisingin. Kaya parating napunta sa bahay sila Rai para lamang gisingin ako.

Raizielle Cendosa Piore and Evelyne Revanza Nightle. They are my bestfriends since we are still in our mothers' womb. Mas matanda sa amin ni Lyne si Rai ng isang taon habang magkaparehong edad naman kaming dalawa ni Lyne.

Supposedly, si Rai ang aming ate pero ayaw niyang tinatawag namin siyang ate at tinuturing na ate. Mas gusto niyang ituring namin siyang kaparehong edad namin siya ni Lyne.

I slowly open my eyes. There I saw my bestfriends. Nakahalukipkip si Lyne at nakabusangot ang kaniyang buong mukha. Si Rai naman ay nakahawak ang isang kamay sa balikat ni Lyne.

"Morning," I said in a low tone voice.

"Finally! The princess is already awake. Akala ko'y kailangan mo pa ng kiss nang isang prince charming," Lyne said sarcastically. Inalis niya ang pagkaka-halukipkip ng kaniyang mga braso.

"Shut up, Lyne! Kay aga-aga nang-aaway ka. Hindi ka ba mabubuhay sa mahinahong boses?" Suway ko rito dahil medyo nakakairita na rin ang pagiging sarkastiko nito.

Tumayo na ako sa kama. Inayos ko muna ang kama ko bago dumiretso sa banyo.

"Wala kang pake. Basta gusto ko ganito. Bilisan mo na nga. I'm tired of waking you up every effing morning!"

"Lyne, tama na. Hintayin na lang natin si Thyra sa baba. Bilisan mo na lang ang pag-aayos mo, Thyra. Halika na, Lyne."

Hinila na ni Rai si Lyne papalabas ng kuwarto ko. Ngunit bago iyon ay nahuli kong inirapan ako ni Lyne kaya inirapan ko rin siya pabalik.

Gusto ko pang galitin si Lyne ng kaunting-kaunti kaya binagalan ko ng kaunti ang pagkilos. At hindi nga nagtagal. Bumalik si Lyne. Akala mo ay may laban na pupuntahan. Tila umuusok na ang ilong nito.

"Thyra, are you testing my patience?"

Inosente akong tumingin sa kaniya. "Eh? Pababa na kaya ako. Ikaw naman kasi, Lyne. Masyado kang bugnutin. Let's go!"

Isinabit ko sa aking kaliwang balikat ang shoulder bag ko at hinila na pababa si Lyne.

"Kalmahan mo kasi palagi. Ang init-init na lang lagi nang ulo mo."

"Walang basagan nang trip. Kotongan kita r'yan eh. Hindi dapat pinaghihintay ang katulad kong boss," halata na sa kaniyang boses ang pagka-irita. Tinanggal niya rin ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso.

Fight to StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon