Chapter 30

107 7 0
                                    

Chapter 30

Nasa university na kami pero nasa loob pa ng sasakyan ng sabihin ko sa mga kaibigan na sinagot ko na si Qievioz sa panliligaw nito sa akin.

“I am now in a new relationship,” I blurted out.

“Really? Sinagot mo na si Qievioz?”

Tumango ako. “Yes, Lyne. Sinagot ko siya noong October 10.”

“Masaya ako for you, Thyra. I wish that this time, he's the right one.” Seryosong saad naman ni Rai. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinisil iyon.

“Me too. I'm happy for you, pim. Kapag sinaktan ka niya. Sasapukin ko siya. Hindi ko nasapok si Iovence kasi malayo siya eh. 'Tsaka yung lalaking nanakit sa iyo dati. Kasi 'di ko trip manapak noon eh.”

“Thank you. Thank you so much. Magiging masaya rin ako sa inyong dalawa kapag nahanap niyo na rin ang lalaking magpapatibok ng mga puso niyo.”

“Just remember, Thyra. We are always here to catch you when everything is falling apart. Mahal ka namin, Thyra.”

“I love you, Thyra.”

“Mahal ko rin kayo.”

Pinilit naming magyakapan sa loob ng sasakyan. Natatawa na lang kami ng hindi namin naayos ang yakapan dahil masiyadong masikip.

Sa mga nagdaang araw ay naging busy ako. Nagkaroon kasi kami ng film project para sa isang subject. Isa ako sa mga napiling maging supporting actor.

I'm not into acting but I try my best to give everything I can do.

Mabuti na lang talaga ay naging maayos ang lahat. Nagkaroon kami ng kaunting problema dahil sa mga activities na ibinigay sa amin ng mga professors namin.

Nag suggest ako sa kanila na habang nag fifilm kami ay nagsasagot din kami ng mga activities. At nagtutulungan sa pagsagot. Iyon ang naging diskarte namin.

At dahil doon ay naging mataas ang nakuha naming grado. Hindi lang sa film na ginawa namin. Pati na rin sa mga activities namin.

“Alam mo, Thyra. Sobrang thankful namin dahil naging ka grupo ka namin. Ang galing galing mo kasi eh. Salamat ha,” pasasalamat ni Kian.

“Kian is right. Ang laki ng naitulong mo sa amin.” Pag segunda naman ni Athena.

Lahat sila ng nagpasalamat sa akin. Hindi ko naman inako ang lahat.

“Guys, don't give me so much credits. Dapat magpasalamat din kayo sa mga sarili niyo. Kasi ibinigay niyo rin ang lahat para lamang makakuha ng mataas na grado. Dapat maging proud din kayo sa mga sarili niyo. Sa kung paano kayo maging sa ibang tao,” nakangiti kong saad sa mga ka grupo.

“You such have a big heart, Thyra. Sa nakalipas na mga buwan, hindi kita kailanman nakitang nag malaki at nang mataas ng mga kaklase natin. Kaya hindi ako naniniwala sa sinabi ni Vana. Na gusto mo ng kasikatan kaya palagi kang may sagot sa mga katanungan ng mga professors natin. Alam kong sinisiraan ka lang niya.”

Bigla akong nakuryoso sa sinabi ni Hira. Nais ko sanang magtanong pero nginitian ko na lamang siya.

Sigurado na ako. Mukhang may itinatagong galit sa akin si Vana. Pero paano ko aalamin iyon?

Tatanungin ko ba siya o hahayaan ko na lang iyon?

Hindi ko alam. Wala pa akong naiisip na gawin.

Isang araw bago namin ipagdiriwang ni Qievioz ang unang buwan namin bilang magkasintahan ay nagpunta ako sa mall.

Gusto sanang sumama ni Lyne sa akin pero may kailangan siyang tapusin. Ganoon din si Rai. Kaya sabi ko ay ako na lang.

Gabi na kaya hindi ako nag commute. Ginamit ko na sa unang pagkakataon ang sasakyan ko. Marunong naman akong mag drive dahil habang nag da driving lessons si Rai noon ay sumasali rin ako.

Fight to StayWhere stories live. Discover now