Chapter 09

87 7 0
                                    

Chapter 09

Hindi na ako higit pang sinisayat ni Eive.

"Tandaan mo lang ang mga habilin namin sa iyo, Thyra. Mahal ka namin kaya hanggang kaya namin ay poprotektahan ka namin ni Rai at ang puso mo," iyon ang habilin niya sa akin bago niya ako niyakap ng kay higpit na tila ba anumang oras ay mawawala ako sa kaniya.

"I can't breathe, Lyne. You're hugging me too much," pag-angal ko.

"Sorry! Basta ha, protektahan ang puso." Muli niyang pagpapaalala.

Sinsero akong tumango. Yumakap na rin sa amin si Rai. At ng gabing iyon ay nakatulog kaming magkakayakap.

Gustuhin ko mang sabihin na sa kanila ang pagkakaroon ko ng nobyo ay tila ba may kung anong pumipigil sa akin.

Hindi naman ganoon ka-strikto sina mama sa pagkakaroon ko ng nobyo.

"Thyra, anak. Walang kaso sa amin ng papa mo kung magkakaroon ka ng nobyo. Ang gusto lang namin ay alam mo ang mga priorities mo sa buhay. At huwag munang gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng mga mag nobyo pa lamang. Protektahan ang puso, anak. Huwag magpadalos-dalos dahil ayaw kong muling pumatak ang mga luha mo sa maling tao."

Iyon naman ang habilin nina mama at papa sa akin. Mga habilin na patuloy kong isinasapuso. Mga habilin na isinumpa kong susundin palagi at iisipin upang hindi ako mawala sa landas na tinatahak ko.

Ngunit minsan ay hindi mo hawak ang kapalaran. Dahil kahit anong gawin mong pagpoproktekta sa iyong puso ay masasaktan ka pa rin. Malulumbay, papatak ang milyon-milyong mga luha, mararamdaman ang pighati, pagkawasak at pagkabigo.

Katulad na lamang ngayon. Nasa aking harapan na ang ebidensiya ay hindi pa rin ako naniniwala.

Ang ebidensiya na pinagsinungalingan ako ni Iovence.

Three days before our first month. Someone chatted me. She's claiming that her bestfriend is the true girlfriend of my boyfriend.

Na nagkataon lang na bored ng mga panahon na iyon si Iovence nang makilala niya ako at may hindi sila gaanong pagkakaunawaan ng kaniyang nobya.

Ara Delamerba:

Sana ay maniwala ka na sa mga sinasabi ko sa iyo. Paniwalaan mo rin ang mga litrato. Hindi ko iyan i-nedit dahil kung hindi ko sila kilala ay bakit ko pa sila pag-aaksayahan ng panahon. Hindi ba?

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa mga oras na iyon ay gusto ko na lamang umiyak ngunit ni isang patak ay walang lumalabas sa aking mga mata.

Biglang nag ring ang phone ko. Hudyat na may tumatawag sa akin. At hindi ako nagkamali.

Ang lalaking nagsinungaling sa akin ang siyang tumatawag. Kumulo lalo ang mga dugo ko.

Inis, poot, pagkadiri sa sarili at galit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi ko ito nakita? Bakit hindi muna ako nag-imbestiga ng tungkol sa kaniya? Bakit hinayaan ko ang sarili kong maloko? Matalino naman ako ah. Pero dahil sa isang lalaki ay naging bobo ako.

Kasalanan ko rin ito. Nagpadalos-dalos ako. Hindi ko gaanong tinimbang ang lahat. Basta na lamang akong nagdesisyon ng mga bagay-bagay.

Hindi ko naprotektahan ang puso ko.

I'm sorry mama, papa, Lyne and Rai. I am a failure. I'm a disappointment and the worst person. I'm really sorry.

Patuloy pa rin ang pagtunog ng aking phone. Ilang ulit na iyon. Sa pang-anim na pagtunog ay sinagot ko na iyon.

Hi, babe! Sorry, been busy the whole day kaya hindi kita nakausap kahit sa chat.

Bakit ang saya-saya niya? Hindi ba siya nakakaramdam ng guilt sa kaalamang pinagtataksilan niya ang nobya niya?

Fight to StayWhere stories live. Discover now