Chapter 37

142 10 0
                                    

Chapter 37

"Mama, nasaan po sila Rai?" Tanong ko makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Matagal ka na nilang hinihintay, anak. They miss you so much."

Ngumiti ako at bahagyang lumapit sa kaniya. "I am sorry, mama. I left you."

Umiling si mama. "Hindi, anak. Hindi mo ako iniwan. Pinili mo lang ang katahimikan at kung ano ang makakabuti sa puso at isip mo."

"Kahit kailan ka man umuwi. Hindi mapapagod si mama na hintayin ka. Kasi mahal na mahal kita."

Iniyakap ko ang mga braso ko sa kaniya. "Mahal kita, mama. I miss you."

Naramdaman ko ang mumunting halik ni mama sa tuktok ng ulo ko. "Pangako ko, anak. No more secrets. No more lies. Sasabihin ko sa iyo agad kung may problema man kahit na ikagalit mo pa iyon. Mahal na mahal ka ng mama, anak. Hinding-hindi magbabago o mawawala kahit segundo man ang lumipas. Patuloy kitang mamahalin, anak."

Hinayaan kong lumandas sa aking mga pisngi ang mga luhang namuo sa aking mga mata.

Tahanan.

Nakauwi na ulit ako sa tahanang pinangulilaan ko sa loob ng tatlong taon.

Hindi ko maikakailang na kahit anuman ang nangyari sa nakaraan, mananatili sa aking puso ang tahanan na naging sandalan ko sa loob ng maraming taon.

Ang nagbigay sa akin ng buhay. Ang nagbigay sa akin ng kasiyahan. At ang humubog sa kung sinuman ako ngayon.

Katahimikan ang naabutan namin ng makarating na kami sa bahay.

Ipinalibot ko ang buong paningin sa paligid. I miss seeing everything.

I've never thought that I will still feel home after everything that had happened.

"Halika na, anak. Pumasok na tayo sa loob."

Inilahad ni mama ang kaniyang kanang kamay. Kinuha ko iyon at pinagsalikop namin ang aming mga kamay.

Nininerbiyos ako pero nagagalak din ang puso ko dahil alam kong sa pagpasok ko sa loob ay muli kong masisilayan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Nang buksan ni mama ang pinto. Bumungad sa aming dalawa ang malaking surpresa.

"Welcome back, Thyra!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat.

Pinalabas nila Lyne ang confetti.

Balloon is everywhere. Tapos may nakasabit na banderitas.

Hindi ko na napigilan. Ang masasaganang luha ay tuluyang tumulo sa aking mga pisngi.

Tumakbo ako kay ate Cenna.

"I miss you, ate." Umiiyak na saad ko.

Naramdaman ko ang pagdampi niya ng kaniyang labi sa ulo ko. "Na-miss din kita, Thyra. Maligayang pagbabalik."

Pagkatapos niyon ay lumapit ako sa mga kaibigan. "Ma, pim, na-miss ko rin kayo." Humahagulgol na ako habang nagsasalita.

Nakita ko rin na umiiyak na rin silang dalawa. "I'm so sorry, Thyra. Lyne and I were sorry for not telling you the truth."

"Pim, sorry talaga. Alam namin na kahit anong sabihin namin na paliwanag. Mali pa rin ang nagawa namin. Hindi namin gusto na magsinungaling. Gusto ka lang talaga namin na protektahan."

Umiling-iling ako. "It's okay. It's okay. Naiintindihan ko. Naiintindihan ko kung bakit niyo nagawa iyon. I'm sorry, too. Mahal na mahal ko kayo."

"Mahal na mahal din kita, Thyra. At kung mangyayari ulit ito. Pipiliin ko pa ring protektahan ka kaysa isipin ang magiging galit mo."

Fight to StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon