Chapter 17

87 7 0
                                    

Chapter 17

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang natanggap na regalo mula sa isang tao na hindi ko pa rin mahulaan kung sino. Tatlong araw na ang nakakalipas kaya tatlong araw na ring naglalakbay sa kung saan ang utak ko. Alam kong nagtataka na rin sila Rai sa ikinikilos ko. Pero hindi ko talaga maiwasan na hindi mag-isip.

"Sino ka ba kasi?" Asar na tanong ko sa kawalan. Sa sobrang inis ay sinabunutan ko na rin ang sarili ko. Nagpapadyak din ako. Wala rin akong pakialam sa paligid ko.

"Hey, Thyra! Are you okay?" Agad na napadako ang paningin ko sa nagtanong. It was Vana who spoke. Nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay niya.

Nangunot ang aking noo. Anong ginagawa niya rito? Pero agad din akong natauhan ng maalala kong nasa loob nga pala ako ng silid namin. Nasa eskwelahan nga pala ako. Ipinalibot ko ang aking buong paningin sa buong paligid. Wala kaming guro kaya magulo at maingay ang lahat.

Sa may pinakasulok ay nakita ko roon si Cedrien. Maingay na nakikipag-kwentuhan sa dalawa niyang kaibigan.

Muli akong napatingin kay Vana dahil muli nitong inagaw ang atensiyon ko. "Hey! I'm talking to you. What happened? You look like you have a big problem," pagtuloy na pang-uusisa nito sa akin.

Hindi ko naman siya kaibigan kaya hindi ko sasagutin ang tanong niya. Tumayo ako kaya bahagya niya akong tiningala. Mas matangkad ako sa kaniya at isa pa ay may takong ang sapatos ko kaya nadagdagan ng kaunti ang tangkad ko.

"I don't like sharing my thoughts to anyone. I only share it to my bestfriends. Unfortunately, you aren't my bestfriend. So, leave me alone and give me some peace," saad ko bago muling umupo. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking mga braso na nakalapag sa arm chair ng aking upuan bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ko naman intensiyon na tarayan si Vana pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naasar ako kaya siya ang napagbuntungan ng asar ko.

"Hey, miss pretty angel?" Ilang minuto lang ang lumipas ng ang boses naman ni Cedrien ang narinig ko.

Ayaw ko naman na magkaroon ng issue kaya hindi ko siya pinansin.

"Are you okay?"

I heard him heave a sigh. "Okay, if you don't want to talk about it, now. I won't force you. But, remember, you can talk to me, anytime you want, okay?"

Hindi pa rin ako nagsalita o kahit ang kumibo man lang. Pinanindigan ko na nakatulog na ako. Nag-umpisa akong magbilang hanggang sampu. Nang maabot ko ang sampu ay hindi ko na narinig pa ang boses ni Cedrien. Siguro ay umalis na ito.

Hindi ko na muna iniangat ang ulo ko. Hinintay ko na lang ang pagdating ng sunod naming guro. Hindi naman inabot ng isang oras nang marinig ko na ang boses ng aming guro.

Iyon na ang nagging hudyat ko para iangat ang ulo ko at tumayo. Nasa pinakalikod ako kaya hindi naman nakita ang bahagya kong pag-unat. Isa pa ay mas may matatangkad akong kaklase na nasa unahan.

Nagkaroon kami ng isang maiksing pagsusulit sa kaniya. Mabuti na lang at madali lang kaya hindi ako nahirapan na sagutin iyon. Sa mga sumunod naman na guro naming ay puro diskusyon. Maswerte ako dahil hindi natatawag ang pangalan ko.

Uwian na nang makita ko ang pagmamadali sa kilos ni Cedrien. Isang notbuk at bolpen lang naman ang inilabas ko para sa huling klase ko kaya hindi ako nahirapan na maitago iyon. Hindi ko na hinintay na makalapit pa sa akin si Cedrien dahil agad na akong naglakad patungo sa pintuan para makalabas na sa silid namin.

"Thyra, wait!" Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang makalabas. Lakad-takbo ang ginawa ko kahit na may takong pa ang sapatos ko. Hindi naman iyon naging sagabal sa akin dahil kaya ko nang dalhin ang sarili ko kahit may takong pa ang suot ko.

Fight to StayWhere stories live. Discover now