Chapter 03

158 7 0
                                    

Chapter 03

WARNING: THERE ARE SOME WORDS THAT AREN'T SUITABLE FOR YOUNGER AUDIENCES. READ AT YOUR OWN RISK.

I can still remember the days when we are all still kids. Bata pa lang talaga si Lyne ay mahilig na siyang maghamon ng away. Mayroong isang pagkakataon noon sa playground na nasa loob lang ng subdibisyon namin. She started a fight with a young boy.

Sobrang chubby noong bata at may pagkamahiyain base sa kaniyang kilos.

"Hoy! Tara! Let's play!" Ang mga salitang iyon ang ibinungad ni Lyne sa batang iyon.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng bata. Nakatayo lang kasi siya roon. Tumitingin tingin sa mga batang masayang naglalaro habang ang yaya naman na kasama niya ay nakikipagkuwentuhan sa kapwa yaya.

I was about to go near the boy when Lyne walks faster than me. Hinila niya yung braso niyon at walang pasabing binaliktad. At walang pakundangan na pumalahaw ng iyak iyong bata.

"Omygash!" Iyon lamang ang tanging naibulalas ko dahil sa pagkabigla sa ginawang iyon ni Lynd. Kaagad akong lumapit sa direksyon nila ng makabawi.

"Lyne! Bakit mo ginawa iyon?" Galit kong tanong kay Lyne. Tanging kibit balikat lamang ang isinagot niya sa akin at iniwan na niya ako roon.

Kaagad ko namang nilapitan iyong bata. I'm not a nurse but I tried to check him and try to calm him down.

"Are you okay?" Nag-aalala na tanong ko. Umiiyak pa rin siya. Nasa tabi na namin ang yaya niya at naghihisterya na ito.

"It hu-hurts," nahihirapang saad niya. Hindi niya maibuka ng ayos ang kaniyang bibig dahil umiiyak pa rin siya. Sa tingin ko nga ay anumang oras malalagutan na ito ng hininga. Hindi naman sa pagiging eksaherada pero iyon ang nakikita ng mga mata ko dahil sa paghinga nito.

"Calm down. Take a deep breath. Inhale, exhale."

I repeat that more consecutive times. Ginaya niya rin naman ako at kalaunan ay hindi na siya humihikbi. I wipe those tears fallen into his eyes.

"Kumusta?"

"T-thank you!" He shyly said. Yumukod ito matapos sabihin ang pasasalamat.

I just smile. "I got to go. I'm sorry about that. Ganun kasi talaga makipagkaibigan ang kaibigan ko. Huwag ka sanang magalit sa kaniya, ha!"

"Sige kasi sabi mo eh. Ako nga pala si Ailec. Ikaw, anong pangalan mo?" Inilahad niya sa akin ang kanang kamay niya. Siguro ay masakit pa ang kaliwa niya.

Inabot ko iyon bago sinambit ang pangalan ko, "Thyra Luane."

"Bye, Ailec!" Agad ko ring paalam dahil tinatawag na ako ni Rai. Hawak-hawak niya ang pulsuhan ni Lyne at kinakagalitan.

Ang araw na iyon ang una at huling kita ko kay Ailec. Sa araw ring iyon ay pinagalitan ng malala si Lyne pero kahit ganun ay hindi pa rin nabago ang pakikitungo ni Lyne sa kapwa naming mga bata.

"Hoy, Thyra! Bakit tulala ka riyan? Bumaba lang kami saglit ni Rai sa dining niyo, natulala ka na riyan."

Ang boses ni Lyne ang siyang nag balik sa akin sa kasalukuyan. May dala itong dalawang bowl na may lamang mga popcorn. Hindi naman kami mag-mo-movie marathon. Gagawa kami ng mga dapat naming gawin na kailangan ipasa kinabukasan.

"Huh?" nagugulumihanan na kunwa'y tugon ko.

"Hay, ewan ko sa'yo, Thyra. Heto, uminom ka ng tubig baka sakaling mahimasmasan ka riyan." Ani nito at iniabot nga sa akin ang tubig.

Fight to StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon