Chapter 31

97 8 0
                                    

Chapter 31

Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko kaninang umaga ay mababatid na ang abot langit na ngiti ko.

Hanggang ngayon na inihahanda ko na ang sarili ko.

“You are so pretty, pim. Bagay na bagay sa iyo ang dress na iyan.” Puri ni Lyne sa akin.

Si Rai naman ay nilalagyan ng make-up ang mukha ko. “Lyne is right. Bagay sa iyo ang suot mo.”

I wear a floral mini dress. Then I wear a strappy flat sandals.

Kinulot ni Rai kanina ang dulo ng buhok ko. Nilagyan niya rin ang buhok ko ng pearl metal hair clip.

“Ayan. Tapos na. Mas lalo kang gumanda.”

“Thank you, ma, pim. For helping me out. Actually, I am nervous. This is the first time na makikipag date ako. Kaya hindi ko talaga alam ano ang gagawin.”

Lyne took my hands. “Pim, you don't have to thank us. It's our pleasure to help you. Isa pa, kapatid ka kaya namin. Kaya palagi kaming handang tulungan ka.”

I smile at her.

I really don't know what to do if I don't have them.

“Group hug?” Tanong naman ni Rai.

“Group hug!”

Nagyakapan nga kaming tatlo. Ilang minuto ang itinagal ng yakapan na iyon.

I thank God every single day for having them as my sisters. Kung darating man ang araw na kailangan naming magkahiwa-hiwalay dahil sa mga pangarap namin.

Alam kong sa bisig pa rin kami ng isa't-isa babagsak. Ang isa't-isa pa rin ang mananatiling sandalan namin.

“Mahal na mahal ko kayo, ma, pim.”

“Mahal din kita, Thyra.”

“I love you, Thyra. Habang-buhay.”

Matapos ng makabagbag damdamin naming pagpapalitan ng mga matatamis na salita para sa isa't-isa ay nagdesisyon akong umalis na.

“Kailangan ko na palang umalis. Baka naghihintay na sa akin si Qievioz. This is our first date. Kaya ayaw ko namang pumalpak.” Saad ko habang kinukuha sa higaan ko ang sling bag ko.

“Well, ano pa nga bang magagawa namin? Gusto mo bang ihatid ka namin?” Tanong ni Rai.

Umiling ako. “Hindi na, ma. Ako na lang ang magdadrive sa sarili ko.”

“Okay! Enjoy your date, then. Magkuwento ka sa amin about sa magiging date niyo, ha!”

“Huwag kang mag-alala, Rai. Hindi naman ako papayag na hindi magkuwento si pim sa atin. Ingat ka, pim. If something wrong happens, don't hesitate to call us.”

“Yes, ma, pim. Bye! Love yah!” I gave them a flying kiss before I went out of my room.

“I really wanted to come, pim. I want to see how you blushed in front of your lover.” Bahagya akong nagulat sa pagsasalita ni Lyne.

“Ano ka ba, pim? Muntik akong atakihin sa iyo. Mabuti na lang talaga at wala akong sakit sa puso. Bigla-bigla kang nasulpot.”

“Hehehe. Sorry naman. Peace?”

Napailing na lang ako at naglakad na ulit pababa.

“Pero seryoso nga. Gusto ko talaga sumama. Pwede bang sumama na lang?” Pangungulit ni Lyne.

Paglingon ko ay nasa tabi na rin niya si Rai.

“Pim, hintayin mo na lang na magkaroon ka ng date.”

Fight to StayWhere stories live. Discover now