Chapter 18

88 7 0
                                    

Chapter 18

Katulad ng reaksiyon ni Lyne ay ganoon din ang sa kay Rai. Ikwinento ko rin kasi sa kaniya ang gumagambala sa aking utak habang nabiyahe na kami pauwi.

“You should be happy, Thyra. Dahil may naka-appreciate sa iyo. You deserve that kind of appreciation, you know. Kaya mag chill ka and don't worry too much, okay!”

Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na kinontra pa ang sinabi ni Rai.

May punto rin naman kasi ang sinabi niya.

Nagdaan pa ang mga araw. Habang lumilipas ang mga buwan ay siya rin namang papalapit ng aming pagtatapos. Hindi naman ako ganoon ka-eksayted na tumuntong na sa kolehiyo pero gustong-gusto ko na malaman kung ano ang pakiramdam na isa ka nang ganap na kolehiyala.

Nagkalat ngayon sa buong eskwela ang iba't-ibang hugis ng mga puso na gawa sa colored paper. Ngayon kasi ay araw ng mga puso. May pasok ngunit walang klase. Sa buong paligid ay nagkalat ang iba't-ibang pakulo ng bawat organisasyon. Mayroon na wedding booth, shout-out booth, jail booth, horror booth at iba't-ibang mga pagkain na binibenta ng mga estudyante sa Home Economics.

Naglalakad akong mag-isa dahil ayaw akong samahan ni Lyne. Gusto ko sanang puntahan si Rai pero ayaw kong magtungo sa college building. Mayroon din kasi silang ganap doon. Kaya ngayon ay mag-isa akong nagtitingin-tingin sa paligid.

Hahakbang na sana akong muli ng biglang dumilim ang aking paligid. Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa aking mga pulsuhan. Bigla akong nakaramdam ng pagkabahala kaya buong lakas kong kinukuha ang aking mga pulsuhan.

“Bitawan niyo ako. Sino ba kayo?” Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga may hawak sa akin.

“Pasensiya na, miss Thyra. Napag-utusan lang kami. Kailangang madala ka namin sa wedding booth,” ani ng isang tinig na sa hinuha ko'y isa siyang lalaki. Hindi na ako nagtaka na kilala nila ako dahil simula noong manalo ako sa pageant ay dumami na rin ang mga taong bumabati sa akin sa eskwela.

Wedding booth? Anong kahibangan iyon at dadalhin nila ako sa wedding booth?

“Anong wedding booth? Sino ba kasi ang nag-utos sa inyo?” Hindi pa rin ako tumitigil sa pilit na pagkawala sa pagkakahawak nila.

“Miss Thyra, manahimik ka na lang. Huwag ka nang magpumiglas. Malalaman mo naman kung sino ang tinutukoy namin kapag naroon na tayo. Alalayan niyo siyang mabuti at baka madapa. Baka makagalitan pa tayo.”

Tumigil na lang ako sa ginagawa dahil may punto rin naman ang sinabi niya. Malalaman ko naman kung sino ang nag-utos kapag nakarating na kami sa kinaroroonan ng wedding booth.

Tahimik na lang akong sumabay sa kanilang paglalakad. Hindi naman nagtagal ay muli kong narinig ang tinig noong lalaki. “Nandito na tayo. Huwag mo munang tatanggalin ang piring mo, miss Thyra. May ilalagay lang kaming veil sa iyo. Sarah, ayusan mo muna siya.”

May umakay sa akin at pinaupo ako nito. Naramdaman kong may kung anong ipinatong sa aking ulo. Inayos din ng kung sino ang aking buhok. “Hawakan mo ito, miss Thyra.”

Pinakiramdaman ko ang ibinigay sa akin. Nalanghap ko ang mahalimuyak na amoy. Mga bulaklak ang ibinigay sa akin.

“Tumayo ka na riyan, miss Thyra. Dahan-dahan po sa pagtayo. Ayan!” Inaalalayan niya akong makatayo.

“Salamat,” saad ko sa kaniya. “Wala pong anuman.”

Nabatid kong maraming tao ng marinig ko ang kanilang mga hiyaw at ang kanilang di maampat na kilig.

“Miss Thyra, tara na po sa may altar. Hinihintay na po kayo ng inyong groom,” sambit noong lalaki kanina. Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin.

Fight to StayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz