Chapter 24

85 7 0
                                    

Chapter 24

Walang papang dumating sa araw mismo ng graduation ko.

I was a bit disappointed but I didn't show it.

Kahit na naiintindihan ko naman si papa pero nakakalungkot pa rin dahil isa ang araw na iyon sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko.

At isa pa ay gusto ko sanang silang dalawa ni mama ang magsasabit sa medalyang natamo ko. I've got an average of 95 that's why I am one of the graduating students who graduated with high honor.

Nakatanggap ako ng isang regalo kay Cedrien. Isa iyong bead necklace na may pangalan ko.

Naghanda rin ako ng regalo para sa kaniya dahil deserve niya rin namang makatanggap ng regalo. At isa pa ay kaibigan ko na rin siya.

I gave him a watch. Pinalagyan ko ng pangalan niya ang strap niyon.

Si Lyne naman ay ipinagbake ko ng cake. Ibibigay ko iyon pagkauwi namin sa bahay.

Nakatanggap naman kaming dalawa ni Lyne ng tig-isang one thousand peso bill mula kay Rai. Natawa pa kaming dalawa ni Lyne noong matanggap iyon dahil hindi namin inaasahan na pera ang ibibigay ni Rai sa amin.

Hindi naman kasing maikakailang kuripot kung minsan si Rai.

Minsan lang naman. Madalas ay mahilig siyang manlibre.

May kaunti mang lungkot sa puso ko dahil sa hindi pagdalo ni papa ay masaya pa rin ang naging graduation ko dahil na rin sa mga taong importante rin sa buhay ko.

"Goodbye for now, miss pretty angel. Ingat ka palagi. Alagaan mo rin ang sarili mo. Until we meet again. Thank you!"

Niyakap ko si Cedrien.

Sigurado akong mamimiss ko siya pati na rin ang pagtawag niya sa akin ng miss pretty angel.

"Alagaan mo rin ang sarili mo. Congrats ulit. Goodluck on your next journey. May the universe guide you."

Pagkatapos ng tagpong iyon ay tuluyan nang nagpaalam si Cedrien. Kumaway na muna siya sa akin bago tuluyang naglaho sa paningin ko.

Pagkauwi namin sa village ay sa bahay kami nagkaroon ng salu-salo. Kumpleto ang lahat. Tanging si papa lang ang wala.

Tulad ng plano ko ay ibinigay ko kay Lyne ang binake kong cake.

Happy Graduation, pim

Iyon ang nakalagay sa ibabaw ng cake.

"Thank you so much, pim. Akala ko wala kang regalo sa akin. Mabuti na lang talaga alam na alam mo kung ano ang paborito ko. You really know how to read my mind, huh?"

"Siyempre, ako pa ba? Ako lang naman ang nag-iisang pim mo noh. 'Tsaka alam ko namang mas matutuwa ka sa akin kung cake ang ireregalo ko sa iyo. Mahilig kang kumain, remember?" May buong pagmamalaking saad ko.

Niyakap ako ni Lyne kaya niyakap ko rin siya pabalik. Pagkatapos niyon ay nilantakan na niya ang cake.

Nagsimula na rin kaming kumuha ng mga pagkaing niluto ni mama at ate Cenna. Masaya naming pinagsaluhan ang mga nakahanda sa hapag.

Kinabukasan naman, pagkatapos ng graduation ko ay nakatanggap ako ng isang bungkos ng pink camellias.

Akala ko ay si papa ang nagpadala pero naalala ko ang bungkos ng bulaklak na ibinigay sa akin ni Qievioz noon.

Na ipinaframe ko dahil sa trip ko lang. At mukhang may bago na namang akong ipapa-frame.

Pinagtulungan pa ako ni mama at ate Cenna sa pang-aasar na hindi ko naman ginatungan pa. Hinayaan ko lang sila dahil alam kong lilipas din naman iyon.

Fight to StayWhere stories live. Discover now