Chapter 02

224 9 0
                                    

Chapter 02

Katulad nga ng sinabi ko sa isip ko kanina ay binawian ko si Lyne. It was our break time. Wala si Rai kasi mamaya pa ang vacant niya.

"Lyne, libre kita ha. D'yan ka muna sa seat natin," sambit ko nang marating na namin ang kadalasang inuupuan namin sa cafeteria.

"Wow! Iyan ang gusto ko sa'yo eh. Manlilibre. Oh sige, thanks!" she said happily. She even clap her both hands.

She's happy without knowing my evil plan for her.

Nang marating ko ang counter ay sinabi ko kay ate ang mga bibilhin ko. She all put it on the tray. Wala pang masyadong tao kaya walang makakapansin sa gagawin ko. Nakatalikod sa direksyon ko si Lyne kaya alam ko ring hindi niya mapapansin ang gagawin ko.

Prank time!

Inilapag ko ang tray sa isang lamesa na dalawang lamesa ang layo sa pwesto namin ni Lyne. Kunwari ay iinuman ko ang baso pero niduraan ko iyon. Ibinalik ko sa ayos at binilisan ko na ang paglakad.

"Foods are here!" masiglang saad ko. Kay laki pa ng ngiti ko.

"Thanks, Thyra!"

Ang unang hinawakan ni Lyne ay ang inumin. Muntik pa akong masuka sa kalokohang ginawa ko nang inuman niya iyon.

Pasensya na, Lyne. I won't do it again the next time. I promise.

Nakonsensya ako pero wala na akong nagawa dahil naubos na niya yung inumin.

"Masarap talaga kumain pag libre. Salamat, Thyra! Isa kang napakabuting kaibigan," she said and gave me a flying kiss.

Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya dahil naalala ko pa rin ang kalokohang ginawa ko sa inumin niya.

"Saan tayo? Garden o library?" pag-iiba ko nang usapan.

"Doon na lang tayo sa garden. Nakakasawa at nakakabagot naman kasi tumambay sa library tapos bawal pa mag-ingay."

"Okay, sige! Tara na!"

Wala kaming dalang gamit kasi iniwan namin sa room. Wala namang mawawala roon dahil nasa bulsa ko ang phone at wallet ko. Magkapanabayan kaming lumabas ni Thyra sa cafeteria pero mas nauna siyang nakarating sa hardin ng eskwelahan dahil binagalan ko ang bawat paghakbang ko.

Nakakapagod kasing maglakad. Kung may naglalakad lang sana para sa akin ay matutuwa pa ako kaso wala naman kaya dapat kong ihakbang ang mga paa ko nang paulit-ulit hanggang marating ko ang aking paroroonan. Nakaupo na sa damuhan si Lyne nang makarating ako sa hardin. Tumabi ako ng upo sa kaniya.

"Hi, Lyne!" mahinang bulong ko.

"Hi, Thyra!" ganting bati niya.

Oh, diba! Timang kaming dalawa. Magkasama kaming kumain kanina pero nakipagbatian pa kami sa isa't isa na para bang hindi pa kami ulit nagkikita.

"Anong gagawin natin dito, Lyne?" Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad nang hangin. Inilagay ko iyon sa likod ng tainga ko. Hindi kasi naka pusod ang buhok ko dahil gusto kong nakalugay ngayong araw iyon.

"Ayusan mo ako nang buhok, Thyra," sambit niya. Ay mali. Utos niya pala.

Kaagad na nagniningning ang aking mga mata. I love fixing hairs. Lalo na kung buhok iyon nila Lyne. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo ako.

"Okay! Sige!"

"Thanks, Thyra. Kaya mahal na mahal kita, eh. Ang bilis mong sumunod sa utos." Inirapan ko lang ang sinabi niya.

Lyne is really like that. Ang hilig mang-away. Minsan naman ay malambing. Minsan ay tahimik pero mas madalas talaga siyang mang-asar. Pareho kaming may sapak kaya madalas ay ako ang pinagtitripan niya dahil kapag si Rai ay mas madalas pa iyong tikom ang bibig kaysa magsalita. Mahinhin si Rai habang si Lyne ay akala mo'y lalaki na laging naghahamon ng away.

Fight to StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon