Chapter 15

112 8 0
                                    

Chapter 15

Tila ba nag-iba ang lahat sa pagtrato sa akin. Kung noon ay hindi naman ako ganoong kakilala pero ngayon nakakatanggap na ako ng papuri sa bawat taong makakasalubong ko. Hindi ako sanay pero hangga't maaari ay pinipili kong maging palakaibigan sa kanilang lahat.

“Hi, Thyra. Mas maganda ka pa ngayong araw. Tunay ngang napakasimple mong tao. Ipinabibigay nga pala ng kaibigan ko,” saad ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Inilahad niya sa akin ang isang tangkay ng rosas at tatlong tsokolate.

Tinanggap ko iyon at ginawaran ko siya ng isang ngiti. “Maraming salamat. Hindi niyo naman kailangan mag-abala pa. Ayos na sa akin ang pagbati niyo. Mauna na pala ako. Maraming salamat, ulit dito,” pagpapasalamat ko at pagsabi na rin ng paalam sa kaniya.

Mag-isa akong naglalakad dahil nakasalubong namin sa may gate ang kaklase ni Lyne na kagrupo niya. May pag-uusapan pa sila kaya nagpaalam na sa akin si Lyne.

Binilisan ko na ang paglalakad para marating ko na agad ang silid namin. Nang marating ko na ang aming silid ay sinalubong naman ako ni Cedrien. Napakalawak ng pagkakangiti nito.

“Hi, miss pretty angel. Para sa iyo nga pala,” sambit nito at inilahad sa akin ang isang kahon na naglalaman ng hindi ko alam kung ano.

Nahihiya namang tinanggap ko iyon. “Cedrien, salamat dito pero hindi mo naman kailangan na mag-abala pa. Nakakahiya.”

“Okay lang naman. Ako nga pala ang nag bake niyan. I love baking. So I want you to taste it and tell me if my baking skills passed your taste,” masigla nitong saad. Hindi sa paraang nagyayabang ang pagkakasabi niya noon sa akin. Para bang masaya lang siya na nagawa niya ang bagay na gusto niya at gusto niya lang ibahagi sa akin iyon.

Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng tikhim mula sa aking likuran.

“Pwede naman kayong mag-usap. Pero sana naman ay hindi niyo hinaharangan ang daraanan,” mataray na sambit ni Vana. Kitang kita ko pa ang pag-ikot niya sa kaniyang mga mata bago kami iniwan na dalawa ni Cedrien.

“Don't mind her, Thyra. Bad mood lang siguro. O siya, punta na ako sa upuan ko. Tikman mo iyan, okay! And tell me your rating about my baking skills.”

“Okay!”

Naupo na rin ako sa upuan ko. At hinintay ang guro namin. Sa pagdating naman ng mga guro namin. Bago sila magsimula sa kanilang aralin ay binabati muna nila ako sa pagkapanalo ko. Binabati rin naman nila si Cedrien dahil sa naging effort nito kahit hindi siya ang nanalo.

Nang dumating naman ang oras ng lunch ay pinuntahan ko si Lyne. Hindi ko alam kung may ginagawa siya ngayon pero sana wala para may makasabay ako.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan ng silid nila Lyne. Bumungad sa akin ang isang petite na babae.

“Thyra, hi. Do you need something?”

“Uhm, itatanong ko lang sana kung nandiyan pa si Lyne?” saad ko bago ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng silid.

“Oh, teka. Gisingin ko lang. Natutulog ata siya. Ayun kasi siya, oh!” Sinundan ko ang hintuturo na nagtuturo kung nasaan si Lyne.

Nakayuko nga ito sa lamesa nito. May katabi itong lalaki na may nakasalpak na earphone sa mga tenga nito.

Pinuntahan na nito si Lyne at mahinang niyugyog. Nang i-angat nito ang kaniyang ulo. Akala ko'y sasapukin nito ang taong nang-istorbo sa kaniyang tulog. Pero hindi dahil siguro sa pagturo sa akin. Pupungas-pungas pa itong tumayo.

“Oh, pim. Musta?” Naghikab ito sa aking harapan. At nagtanggal ng muta sa mga mata.

“Okay lang. Tara na. Lunch na tayo. Kainin natin itong ibinigay sa akin ni Cedrien.”

Ipinakita ko sa kaniya ang kahon na hawak. Nakita ko naman ang pagniningning ng kaniyang mga mata.

“Wow, iba ka na talaga, pim. May nagbibigay na ng pagkain. Tara na. Tikman na natin kung masarap. At kung hindi, sabihin mo sa kaniyang huwag na niya ulit uulitin na magbake para hindi siya makasira ng tiyan ng iba.” Inagaw nito ang kahon at hinila na ang kanang kamay ko.

Sa cafeteria kami nagpunta. Inilapag nito ang kahon at iniwan ako roon. Pagbalik ni Lyne ay may dala na itong paper plate at plastic fork and spoon.

At agad na nitong binuksan ang kahon. Tumambad sa amin ang isang black forest cake.

“Wow, nakakatakam naman ito. Binili lang ba ito? Sino nga iyon?” Pagtatanong ni Lyne habang kumukuha ng cake gamit ang plastik na kutsara.

“Si Cedrien. Hindi niya binili. Sabi niya ay binake niya iyan.”

Natigil sa pagkuha si Lyne at may nakakalokong ngiti na tumingin sa akin. “Hmm, I smell something fishy. I think someone is liking my bestfriend. Omg!!”

Sa narinig ay pinandilatan ko kaagad si Lyne. “Hoy! Mangilabot ka nga. Hindi naman siguro. Masaya lang siguro siya na nanalo ako. Kasi magkakaroon kami ng limang puntos sa isa naming subject. Ikaw talaga. Dami mong alam.”

“Malay mo. Malay natin. O, sige. Pustahan na lang tayo. Kapag umamin sa iyo si Cedrien tungkol sa nararamdaman niya. Bibilhan mo ako ng pinaka latest na iPhone. Kapag hindi naman ay ako ang magbibigay sa iyo ng iPhone. Okay?”

“Ewan ko sa iyo, pim. Kumain ka na lang. Gutom ka lang.” Hindi ko pagsang-ayon sa gustong mangyari ni Lyne.

Kasi naman ay hindi naman iyon magiging totoo. At isa pa ay mahal kaya ang iPhone.

“Ah, basta. Deal na iyon. Bawal kang umangal dahil magtatampo ako,” saad nito sabay subo ng cake sa kaniyang bibig.

Pagkatapos niyon ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. “Omg! Ang sarap, pim. Ang galing naman magluto ng future boyfriend mo.”

“Tse! Bahala ka nga riyan.” Inis kong sambit. Sumubo na rin ako.

At tama si Lyne. Masarap nga ang binake na cake ni Cedrien. Hindi siya gaanong matamis. Kapag lumalapat sa dila ay hindi nakakasawang kainin.

Muntik pang maubos ang cake kung hindi ko lang sinuway si Lyne dahil hindi pa iyon natitikman ni Rai. Ako na ang muling nagbitbit dahil kung kay Lyne ko ibibigay ay baka hindi na nga matikman pa ni Rai ang cake.

“Thyra! Buti naman at nakita na kita. Kanina pa kita hinihintay eh. Para raw sa iyo. Hindi ko kilala kung sino nagpapabigay dahil sabi noong nag-abot ay ipinaaabot lang din daw sa kaniya ito. Medyo mabigat siya. At hindi naman sa pagiging tsismosa pero nabasa ko kasi yung card. Mukhang may secret admirer ka, Thyra! Ayieee!”

“Hoy! Hindi naman siguro. Ikaw talaga. Sige, maraming salamat.”

Agad ko namang kinuha ang kahon at tama nga ang kaklase ko dahil medyo mabigat iyon. Kaya nilapag ko kaagad iyon sa mesa ko. Binasa ko ang nakasulat sa card.

Hi, lady. I'm hoping that you are doing just fine. You are always beautiful, remember that! I am so proud of you. Stay safe and see you soon.  - QRSM

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Sino naman kaya ang may initial na QRSM? At parang may naalala ako sa lady. At ano naman ang nilalaman ng kahon na ito?

Hindi kaya napagtitripan ako ng kung sino?

Hindi naman siguro. Masaya lang siguro ang nagbigay sa pagkapanalo ko.

Fight to StayWhere stories live. Discover now