Chapter 39

139 10 0
                                    

Chapter 39

Evelyne Revanza Nightle

I never thought that this day would happen. Hearing Thyra asking for peace. Asking us to leave her alone.

Asking her own mother to never bother her.

Gusto kong mag joke. Gusto kong gaguhin ang sitwasyon. Pero paano ko gagawin iyon?

Kasalanan naman namin kung bakit ganoon na lang ang galit ni Thyra sa amin.

She was betrayed by her own family.

Muntik pa siyang mawala dahil lang sa kasinungalingan namin.

Hindi naman talaga mangyayari ang lahat kung hindi kami nagsinungaling. Kung sinabi namin agad sa kaniya ang lahat.

Pero, valid naman siguro ang rason namin. We just wanted to protect her from the chaotic situation of her mother and father.

Wala na kaming magagawa. If Thyra wanted to break her ties with us. Then we will let her. She deserves the peace.

A year after of being away with Thyra. I felt so lost. Lost in the wild. I became quiet.

I was always away from my real world.

Muntik pa nga akong ibagsak ng mga professors ko dahil sa mga inaakto ko.

Gusto kong lumayo. Tumigil sa pag-aaral. Pero natauhan ako ng marinig ko ang pag-uusap ng mga magulang ko.

“Hon, isn't unfair for Lyne? We are deciding for her. Dapat kinakausap muna natin siya.”

“Hon, narinig mo naman siguro ang sinabi ng college dean nila. Lyne is not performing well in her class. Lyne is failing. Makakabuti sa kaniya kung lalayo muna siya rito. Kung doon muna siya sa Australia mag-aaral.”

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumuhod sa harapan nila. “No, ma, pa. Hindi ako aalis. Ayaw ko. Please, bigyan niyo pa ako ng isang chance. Just one chance. Aayusin ko ang lahat.” Pagmamakaawa ko sa mga magulang.

Nakikita ko sa mga mata ni papa ang determinasyon na gusto niyang lumayo na muna ako rito. Na ipadala ako sa Australia.

Kaya sa mga mata ni mama ako tumingin. Nakiusap ako sa kaniya. Nagmakaawa.

Ayaw kong lumayo. Ayaw kong umalis.

Hindi ko na mapupuntahan ang mga lugar na pinupuntahan namin kapag na-miss ko si Thyra. Hindi ko na mapupuntahan ang library at garden kung saan madalas naming tambayan noon ni Thyra.

Si Thyra na laging nandiyan para sa amin. Si Thyra na laging sumasabay sa mga kabaliwan ko. Si Thyra na hindi man lang hinusgahan ako kahit ano pa man ang ugali ko. Si Thyra na buong puso akong minahal.

“Let her be, hon. Naniniwala akong aayusin ni Lyne ito. She's our daughter, after all.”

Papa felt defeated. He sighed heavily. “Fine, one more chance. If you waste it. Wala nang tanong tanong. Ipapadala na agad kita sa Australia. Do you understand, Lyne?” Papa said in his firm and authoritative tone of voice.

Agad akong tumango. “Thank you, papa.” Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya.

“Mahal kita, anak. Lagi mong itatak sa isip mo iyan.” Bulong ni papa.

“I know, papa. I know. Mahal na mahal ko rin kayo ni mama.”

Tumayo na rin si mama para yumakap sa amin ni papa.

After that talk I have with my parents. Ginawa ko talaga ang lahat para bumalik ang matataas na grado ko.

Kinausap ko ang mga professors ko sa kung ano ang pwede kong gawin para mabawi ko ang mababang markang nakuha ko.

Fight to StayWhere stories live. Discover now