Chapter 27

88 7 0
                                    

Chapter 27

Sa first week ng klase, naging maayos naman ang daloy ng buhay ko.

Ngunit may isang tao lang talaga ang hindi maayos. Si Vana. I thought our paths will never cross again. Na ibang program ang kukunin niya.

Like Political Science o kaya Psychology. Hindi ko naman inaasahan na Education din ang program na pinili niya.

Siya ang napiling presidente ng aming seksyon. Ayos lang naman sa akin iyon. Ayaw ko rin namang magkaroon ng responsibilidad.

I just want to be a normal college student. Walang iniisip na kahit ano. Walang mabigat na responsibility.

Hindi pa ako mabibigyan ng problema.

Today is Monday, second week na namin. Nag-umpisa na ring mag-introduce ng mga topics ang mga professors namin.

Natapos na kasi last week ang pagpapakilala, paghahanap ng mga officers, at iba pang kailangan na asikasuhin.

Okay naman ang mga professors ko. Hindi sila ganoong ka-strikto. O siguro kaya ganun dahil first year pa lang kami.

Magiging dragon siguro sila kapag nasa second year na kami.

Nandito ako ngayon sa garden. Vacant ko kasi. Dalawang oras. Pinili ko na lang na basahin ng advance ang mga topics na tatalakayin.

Tahimik lang ako ngunit ng mapansin kong may taong nakatayo sa harapan ko ay agad akong napatingala.

I was expecting Lyne. But it wasn't Lyne. It was Qievioz.

Standing firmly. He was in his full smile. Kaya kitang-kita ang mapuputi niyang mga ngipin. His two hands are on his pockets.

He dressed so neatly. Nakasabit din sa kaniyang leeg ang kaniyang id. Ang kaniyang hindi gaanong mahabang buhok ay nakaayos.

“Hi, lady.”

Hindi makapaniwalang tumayo ako. Hinawakan ko at mariing pinisil ang pisngi niya para kumpirmahin na hindi ako namamalik-mata lang.

Na totoong nasa harapan ko ngayon si Qievioz Rayden Sanbastes Marindio.

At nang makumpirma kong totoo siya. “Omayghadnism! I don't know what to say,” bulalas ko.

He chuckled. “You don't have to say anything, lady. Kumusta ang college life mo?”

Shet! Mas lalo siyang gumwapo ngayon kumpara sa unang pagkakataon na magkita kami sa personal.

“Hey, lady. You okay? Don't be astonished of my presence. Besides, our meeting is long overdue. I can't help myself anymore. Matagal na kitang gustong ligawan.”

“What?” laglag pangang sambit ko. Hindi ko inaasahan na iyon ang kaniyang isasambulat sa akin sa muli naming pagkikita.

“Nahihibang ka na ata.”

Umiling siya at nagsambit ng, “Nope!”

Kinuha niya ang mga kamay ko. “Look, Thyra Luane. Alam kong nakakagulat ang sinabi ko. Pero totoong gusto kitang ligawan. Hindi pa ba obvious?”

“I thought, you are just thoughtful. Kaya mo ako binigyan ng ganoong mga regalo noon.”

He chuckled softly. “Thyra, listen to me. I don't know how to confess this feelings of mine because to be honest. I don't know how to tell you my admiration. Unang kita ko pa lang sa iyo. Alam ko na, nakuha mo na ang puso ko.”

“Kaya ginawa ko ang lahat ng iyon. Para iparating sa iyo ang nararamdaman ko. I always dream about this day. To finally have the courage to tell to you what I feel. Pinatagal ko lang kasi natotorpe pa ako. Pero ngayong nandito ka na sa harapan ko. Hindi ko na kayang hindi ibahagi sa iyo ang nararamdaman ko.”

Fight to StayWhere stories live. Discover now