Chapter 19

86 7 0
                                    

Chapter 19

Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon ni Cedrien? Sa kung paanong nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin sa akin na nais niya akong ligawan.

Na kung sa una pa lamang ay hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa dahil sa pilit kong inilalayo ang aking sarili sa aking mga kaklase.

But Cedrien's different from the rest. Gaano ko man siya pilit na iniwasan sa nagdaang mga buwan. Pilit niya pa ring inilalapit ang kaniyang sarili sa akin.

Walang araw ang hindi lilipas na hindi niya ako kakamustahin. Gaano man ako maging mailap sa kaniya. Wala siyang pakialam.

Ngayon ay alam ko na kung bakit. May itinatago siyang kakaibang damdamin para sa akin. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ang damdaming iyon.

Ngunit, isa lang ang alam ko. Hindi ko siya papayagan na ligawan ako. Wala na sa mga plano ko ang magkagusto sa iba.

Dahil napagtanto kong mas mabuti pala ang buhay na mag-isa. Yung tipong hindi ka masasaktan at hindi mo magagawang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay.

“Hindi mo naman ako kailangan na sagutin agad, miss pretty angel. Handa akong maghintay dahil ang isang katulad mo ay dapat na pinaghihirapan na makamit dahil nag-iisa ka lang sa mundo. At walang sinuman ang makakapantay sa isang Thyra Luane Beramonte Zandiave.”

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko tinitigan ang kaniyang mga mata. At muli akong bumuntong-hininga.

“Patawad, Cedrien. Ngunit ang nararamdaman natin ay hindi magkatugma. Sana maintindihan mo iyon. I can be your friend but I can't be your lover, Cedrien. Falling in love to someone is not my priority right now.” Sinserong saad ko. Kinuha ko sa pagkakahawak niya ang mga kamay ko.

Nakita ko ang namuong sakit sa mga mata niya. Nakita ko kung paanong naglaho ang kaniyang pag-asa. Nakita ko rin ang unti-unting paglaho ng kaniyang matamis na ngiti.

“I'm really sorry.”

Kinuha ko ang dalawang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Alam kong narinig o nabasa mo na rin ito dahil ito ang palaging sinasabi ng mga babae pero gusto ko ulit sabihin sa iyo ito. You'll find someone whose worth your love and your effort. And when that time comes, I'll be one of those happy person for you.” Malungkot ko siyang nginitian.

“I'm really sorry.” Muli kong paghingi ng tawad bago ko binitawan ang mga kamay niya.

Pagkatapos ay naghintay ako sa sasabihin niya. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin bago ko narinig ang tinig niya.

“Pasensiya ka na kung na bigla kita sa inamin kong damdamin. Pero gusto sanang humingi sa iyo ng isang kahilingan...” Tumigil siya sa kaniyang pagsasalita para siguro humugot ng isang malalim na buntong-hininga dahil iyon ang ginawa niya bago siya muling nagpatuloy sa kaniyang sinasabi.

“Hinihiling ko sa iyong bigyan mo ako ng isang pagkakataon. Isang pagkakataon na maipakita sa iyo kung gaano ka-totoo ang nararamdaman ko para sa iyo.”

Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Hindi ko inaasahan na ayaw niya pa ring sukuan ang nararamdaman niya para sa akin.

Kakaiba talaga siya ngunit bakit hindi ko magawang payagan siya sa kahilingan niya? Bakit hindi ko makapa sa puso ko ang kagustuhan na bigyan siya ng isang pagkakataon?

Napailing-iling ako. “Masasaktan lang kita, Cedrien. Aasa ka sa wala. Kaya, sige na. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Mas maganda kung magiging magkaibigan na lamang tayo.”

“Pero…”

“Aalis na ako. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Salamat para sa araw na ito. Mag-iingat ka.” Paalam ko habang nakatingin sa relong nasa bisig ko.

Hindi ko na rin hinintay pa ang sasabihin niya. Kaagad na akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Nang may makita akong puno ay tumigil muna ako roon. Tinext ko pareho sina Rai at Lyne. Tinatanong ang kinaroroonan nila.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil dalawang minuto ang lumipas ng makatanggap ako ng reply mula kay Lyne.

Nandito kami sa coffee shop na pinuntahan natin noon, pim. Ingat ka sa pagtawid.

Hindi ko na piniling replyan si Lyne. Mabilis na akong naglakad patungo sa kinaroroonan nilang dalawa ni Rai.

Nang marating ko ang kinauupuan nila Lyne ay agad akong naupo. Napahawak ako sa mukha ko at nalamukos iyon.

“Oh, pim! Anong nangyari sa iyo? Bakit mukha kang problemado? Ayy, nga pala…”

May kinuha siya sa kaniyang bag. Nakita kong isa iyong maliit na kahon at mayroon ding bulaklak. The color of the flower is pink. Hindi ako siguro sa tawag sa bulaklak na iyon pero parang pamilyar sa akin ang bulaklak.

“Ano kayang klaseng bulaklak ito? Napakaganda.” Pagtatanong ni Lyne. Ibinigay niya sa akin iyon. May card din siyang iniabot sa akin.

“That's pink camellias. According to my research, pink camellias symbolize a longing for someone and is given to someone who is missed.”

Missed? Hindi kaya si Iovence ang nagbigay nito sa akin?

Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking iyon.

“Kung ang iniisip mo ay si Iovence. Sorry to burst your bubble, Thyra but he's not the one who gave that. Read the letter, you'll know the answer,” seryosong saad ni Lyne.

Nabasa niya ata ang nasa isip ko. Ang una ko munang binuksan ay ang maliit na kahon. Tumambad sa amin ang isang kwintas. Ang pendant nito ay pakpak ng isang anghel.

“Wow, ang ganda, pim. Bagay na bagay ito sa leeg mo,” sambit ni Lyne habang sinisipat ang kwintas. Kinuha niya kasi iyon.

Ako naman ay dali-daling binuklat ang card. Tumambad sa akin ang pamilyar na sulat-kamay.

Happy Valentine's Day, lady. I hope you did like the bouquet of flowers that I gave you. Those flowers are pink camellias and I know that by now, you already knew the meaning of it. I'd been missing you but I still don't want you to know who I really am. I'm not scared, it is just that I don't still have the guts to make an appearance in your life. For now, let me like you with so much distance between the two of us. I also gave you a necklace, it's pendant is an angel wing. It comes with a promise that my affection for you won't fade away that easily. Take care of yourself for me, for now, lady. - QRSM

I was right. Pamilyar nga talaga ang sulat-kamay dahil iisang tao lang ang nagbigay sa akin noong rosas na katulad sa kwento ng Beauty and the Beast.

“Nagpakilala ba sa iyo, pim ang taong nagbigay nito?”

Nakita ko ang pag-iling niya. Tinignan ko naman si Rai. Pag-iling din ang isinagot niya sa akin.

“Sorry, Thyra. Hindi, eh. Ang sabi kasi ng nagbigay sa akin niyan kanina ay nautusan lang siya. At hindi niya raw sasabihin sa akin kung sino. Sa akin kasi ibinigay iyan. Ipinatago ko lang kay Lyne dahil hindi naman backpack ang dala ko ngayon,” wika ni Rai.

Napatango na lamang ako. Mukhang hindi ko talaga makikilala kung sino ang taong nagbibigay sa akin ng mga regalong hindi ko naman inaasahan.

“Anong balak mong gawin sa mga iyan, Thyra?” Pagtatanong ni Rai.

“Itatago pero hahanapin ko kung sino ang nagbibigay sa akin ng mga ito. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikilala. Ika nga diba, ‘curiosity kills the cat’. Kaya hahanapin ko siya sa mga taong nag add friend sa akin sa fracebuk.”

Inilabas ko ang phone ko. In-open ko ang application na fracebuk. Hindi naman inabot ng limang minuto ang pag loading ng application.

Tumambad sa akin ang maraming friend request. Ngunit sa iisang friend request ako napatigil. The initial of that names looks familiar to me.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil dalawang beses na. Dalawang beses ko na nakita ang mga initials na iyon.

Qievioz Rayden Sanbastes Marindio sent you a friend request.

Fight to StayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin