Prologue

602 17 0
                                    

"Tama na po tita." Mahinang daing ko habang patuloy nya akong pinapalo.

"Manahimik ka, nararapat lamang sayo yan pasaway ka." Tita Beatrix said.

"Madam, nasasaktan na po si Señora Amyrah." Awat ng mga katulong pero hindi nag patiinag si tita.

Patuloy lamang sya sa pagpalo sa aking puwet. Kahit humahagulgol na ay hindi nya ako tinatanan. Nakita ko ang mga kakambal ko na si Autumn at Adalia na umiiyak. Habang hawak ng mga tauhan ni Tita Beatrix.

"Ate/Hmmm." Napaigik ako lalo ng tumama ang bakal ng sinturon sa aking likod.

Gusto kong patahanin ang mga kakambal ko na umiiyak. Habang hawak sila ng mga tauhan ni Tita Beatrix. Si Adalia ay hindi pa rin nag sasalita at puro lamang hikbi ang lumabas sa kanyang labi.

"BITAWAN MO ANG ATE KO." Malakas na itinulak ni Autumn ang madrasta namin. Dahilan para tumama ang ulo nito sa lamesa.

Agad akong naalarma ng tumayo si Tita habang hawak ang kanyang noo na may dugo. Binuhat ko ang dalawa kong kakambal palabas ng mansyon.

Sa tulong ng mga kasambahay ay nakalabas kami at agad ko silang sinakay sa sasakyan. Buti na lamang at habang tumatakas kami ay iniaabot ng isa sa mga guard ang susi ng sasakyan.

"Ate." Autumn said, humihikbi pa rin ito.

Umiling naman ako sa kanya at pinunasan ang basa nyang pisnge. "Makakatakas na tayo ok." Gamit ang mababang boses ay kinakausap ko sya.

Kalong-kalong nya si Ada na mahina pa ring humihikbi. Ngumiti ako sa kanila para ipakitang ok lang ako. Kahit na hindi iyon umabot sa aking mata.

"Ate, huwag na po tayong babalik don ha." Autumn said. Tumango naman ako at hawak ang mga kamay nila ay pinaandar ko na ang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ng mga kapatid ko. Wala si papà dahil nasa ibang bansa sya. Dahil sa isang underground transaction.

While our mamà is died earlier. Ang sabi ni papà ay namatay ito matapos kaming ipanganak. Hanggang dalawang taon ang nakakalipas simula ng mamatay si mamà. Dumating sa buhay namin ang madrasta namin. Nung una ay mabait sya pero nagbago lahat iyon ng mag tatlong taong gulang kaming tatlo.

Nakarinig kami ng putukan sa likod nang aming sasakyan. Kaya naman ay pinilit kong isiksik sa ilalim ang dalawa kong kapatid. Napapikit ako habang nag darasal dahil hindi kami pwedeng mamatay ng ganito.

"Mag tago lang kayo dyan." Mahinahon pero madiin kong usal.

Tumango naman silang pareho at inilagay ko sa high speed ang takbo ng sasakya. hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong pagmamaneho pero ang tanging alam ko lang ay gusto naming makatakas dito.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela ng gumewang-gewang ito. Gawa ng pumutok ang gulong. Binitawan ko na ang manibela at mahigpit na niyakap ang dalawa kong kakambal

Ang huli kong natataandaan ay tumalbog-talbog ang kotse bago tumama ito sa puno.

Napahawak ako sa aking noo dumudugo iyon. Agad kong naisip ang mga kapatid ko nakahinga ako ng maluwag dahil wala silang galos.

Pinatakan ko ng halik ang kanilang mga noo at binuhat papalabas ng kotse. Naamoy ko na kasi ang gaas tanda na malapit ng sumabog ang sasakyan.

Nilagay ko muna silang dalawa sa tabi ng puno. Bago kinapa ang cellphone na naiwan sa kotse. Dahil mali ang ginawa kong iyon ay muntikan na akong masama sa umaapoy na sasakyan. Kung walang humila sa kwelyo ng aking damit.

"Ateee/a-a-a." Nakangiting iminulat ko ang aking mata habang nakatingin sa aking mga kapatid.

Tinap ko ang kama na hinihigaan ko para lumapit sila. Nasa tabi nila si papà na nakangiti pero mugto ang mata.

Lumapit din si papà at hinalikan ang noo ko. Pinunasan ko ang tumutulong luha sa kanyang pisnge at ngumiti.

"Okay na ako wag na kayong umiiyak." Usal ko at binigyan sila ng matamis na ngiti.

Simula ng mag kaisip ako ay lagi ko ng sinasabi sa sarili ko na ate ako. Responsibilidad ko ang mga kapatid ko kahit na minuto lang ang pagitan namin. Na parang ako ang ina nila kaya naman kahit mura pa lamang ang aking isipan. Ay pinilit kong mag adjust para sa kanila.

Kumpara sa mga kaklase kong malayang nakakapaglaro ay mas pinipili kong mag aral sa bahay. Baka sakaling makalimutan ko ang mga problema ko. Naiingit ako sa dalawa kong kakambal dahil malaya silang nakakalaro. Pero masaya rin ako dahil hindi nila nararanasan ang sapilitang maging isang isip matanda.

"Ate buti naman nagising kana." Umiiyak na usal ni Autumn.

Napailing na lang ako dahil napakaiyakin nya. Pinusan ko ang pisnge nyang basa ng mga luha nya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Wag kanang aalis ate ha." Napunta ang tingin ko kay Ada ng mag salita sya.

Hindi ko alam pero agad kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin at kinabig ng yakap si Ada. Sya ang may komplikasyon sa amin dahil pre-mature kaming tatlo.

Due of stress daw ang dahilan kaya kinulang kami sa buwan. Pero si Ada lamang ang nag karoon ng problema nung ipanganak kami ni mamà.

"Nakakapag salita kana, baby." Masayang wika ko at niyakap ulit sya.

"Nakakapag salita na ang baby ko." Sigaw ko, walang mapalagyan ang saya ko ngayon.

Wala akong pakialam kung tumutulo na ang dugo sa aking kamao. Para akong ina na sobrang tuwa dahil nakapag salita na ang kanyang anak.

"Opo ate, ’wag kana po alis ha." She said.

Tumango-tango ako at niyakap ulit sya, walang mapaglayan ng saya ang nararamdaman ko ngayon higit pa ito sa pagiging honor student ko.

Makalipas ang isang buwan ay nakalabas na ako ng hospital. Masaya kaming umuwi sa mansion.

"Maligayang pagbati, Señora Amyrah." Bati ng mayordoma.

Ngumiti ako sa kanya at iginaya naman nila kami sa hapag. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ang aming madrasta na si Beatrix.

Agad na gumapang ang kaba sa aking katawan. Nang makita kong nakapalibot sa amin ang mga tauhan nya humigpit ang kapit ko sa mga kakambal ko.

Agad naman kaming itinago ni papà sa kanyang likod. Ang pinagtataka ko ay bakit wala ang mga tauhan ni papà. Ngumiti ng matamis si Beatrix sa amin.

"Welcome home, babies." Buong galak sambit nya at nag labas ng baril.

Gusto kong sumigaw, gusto kong lumaban, gusto kong tulungan si papà na lumaban pero hindi ko magawa. Tangina napakahina ko

"PAPÀÀÀÀÀ." Malakas na sigaw ko ng barilin sya ni Beatrix sa kanyang noo.

Pakiramdam ko ay gumuho ang akin mundo ng dahan-dahang dumausdos si papà. Nagkalat ang mga dugo sahig kaya naman kahit ganon ay tinakbo naming tatlo si papà na ngayon ay nag hihingalo na.

Wala akong nagawa, kasi mahina ako.

"A-A-A-Anak i-ikaw n-na ba-bahala sa-sa mga ka-kapatid mo, ma-magpa-ka--katatag ka--yo. Pa--tawarin nyo si papà ku-kung i-i-wan ko kayo." Ayan ang huling salita ni papa na paulit-ulit kong tinatatak sa aking isipan.

Fuck those people who always said that women can't lead. Kaya naman ay tinanggap ko ang clan ni papà marami ang nagalit, nainsulto dahil bakit babae raw ang susunod sa position ni papà.

Kinuha ko ang pinaka mataas position sa clan ni papa na 'Mafia Mistress', hanggang ngayon marami pa rin ang nagagalit na kaalyado ni papà na bakit babae ang papalit? Kaya nya bang pamahalaan ang malaking clan? Kaya nya bang maging isang leader? Pero lagi kong sinasabi ay ginawa ko ito para hindi sa kanila kundi para sa kapatid ko.

Sapat na ang huling aalala ni papà na naging mahina ako. Sapat na rin yun na huling beses na iiyak ako. Simula ngayon ay uubusin ko lahat ng taong sumira sa pamilya ko.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now