Chapter 50

121 2 0
                                    

50 : Philippines

*****

"Girl, napaka init talaga sa pinas. Sa korea na lang tayo." Reklamo ni Carlo.

"Shut up, ilalaglag talaga kita sa binata." I said to him at ibinaba ang salamin ng kotse ko.

"Ito na po." He acted like he was zippering he's mouth.

Pagbaba namin ay harap ng mansion ay bumungad sa akin ang nakalagay na tarpulin, napapikit pa ako ng makitang nakalagay ang mukha ko ron.

I'm that Eloise plan this.

"Shala beb, may pa tarpulin." Bulong ni Carlo habang nakakawit ang kamay sa aking braso.

Lumapit na ako at sa mga kapatid ko at humalik sa pisnge ni mamà. Buhat-buhat ni mamà ang anak ni Adalia, hinalikan ko ang pisnge ng anak nya na nakapout sa akin.

"Hi, baby." I kissed Adalina Farah cheeks.

"Tata." She said at gustong magpabuhat sa akin.

Inilapag ko ang maletang dala ko at binuhat si Farah, pinisil ko ang mataba nyang pisnge.

"Tara na sa loob." Yaya sa amin ni mamà.

Tumango naman ako sa kanila at ibinagy na si Farah kay Adalia para mabuhat ang anak nya. Tinulungan ko namang mag hand sina mamà para sa mga bisita.

"Vesillius, was invited too." Eloise said habang nag sasandok ng salad.

My eyebrows rose. "Ah, okay?" Sagot ko, hindi ko naman ’to event kaya wala akong karapatan mag utos sa kanila na wag papuntahin si Vesillius dito.

Napalingon ako sa pintuan ng pumasok si Vesillius, carrying Celine. Celine is wearing baby blue dress again habang may clip ang gilid ng kanyang buhok.

Ang cute-cute nya.

"Hi, baby." Bungad ko kay Celine at pinisil ang pisnge nito.

"Ouch, akala ko ako ang baby." I heard Vesillius whisper pero hindi ko na lang ’to pinansin.

"Uh-ah, can i carry her?" Pagpapaalam ko.

"Sure." Ibinigay nya sa akin si Celine na agad namang yumakap sa leeg ko.

Lumayo ako sa kanila at umupo sa isang bakanteng lamesa para ron pakainin si Celine. "What do you want to eat?" I ask Celine.

"Hmm." Inilagay nya pa ang daliri nya sa ilalim ng labi nya.

"I want chicken and shanghai po, Tita Mama." She said at pinaglaruan ang bracelet ko.

"Okay, we will get that." Iniwan ko sya sa lamesa at pinagsandok ng pagkain namin.

Masaya akong bumalik sa lamesa habang sinusubuan si Celine. "Where's your mom, baby?" I ask Celine.

"She's in the hospital po." Magalang na sambit nya.

Kumunot ang noo ko ron. "Why, is she a doctor?" Sagot ko naman.

"No po, she's the patient. What's her sick name again. . ." Inosente pa syang tumingin sa taas na parang may iniisip sya. "Oh, i remember na tita mama. Her sick name po is breast cancer stage 4 po." Inosente sambit nya.

Agad akong nakaramdam ng awa ron kaya naman ay hinawakan ko ang buhok nya at pinaglaruan ’yon.

"Celine, come with me. Your mom having a seizure." Agad na humahagos papalapit saamin si Vesillius.

Binuhat ko si Celine. "Sasama ako." Sambit ko, hindi na sya nakita talo pa at pumunta na kami sa sasakyan nya.

Nasa kandungan ko si Celine, parang wala syang alam sa nangyayari dahil nilalaro nya pa ang bracelet ko. At kumakanta ng kung ano-ano.

Pagsamo | Montecillio Series #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin