Chapter 35

86 3 0
                                    

35 : Last date

*****

"Wag kang hihiwalay." Paalala ni Vesillius.

Tumango naman ako kahit hindi ako kita, nasa likod nya ako at naka-kapit sa damit nya. Ang dami kasing tao rito, naiirita lang ako.

"Ang dami namang tao." Buryong sabi ko.

"Malamang, love. Kaya nga concert eh." Pangbabara nya sa akin.

"Ah, talaga? Uuwi na’ko. Manood ka ng concert mag-isa mo." Sabi ko at ambang uuwi na ng kabigin nya ang bewang ko.

"Napaka init ng ulo, sabi ko nga tara na. ’Wag ka lang hihiwalay sa akin, ha. Baka mawala ka para ka pa namang bata." Pang-aasar nya pa sa akin.

Inapakan ko ang white robber shoes nya at nauna na lang mag-lakad.

"Hey, Love. Shit, love where are you?" He called me, mahina akong natawa dahil hindi nya talaga ako mahahanap lalo’t nakahalo ako sa maraming tao.

"Got you." Bulong nya at niyakap ulit ang bewang ko.

"Kj, naman nito." Nakangusong sabi ko.

Nasa bandang unahan kami dahil ’yon ang kinuha ni Vesillius para raw makita nya ang favorite nyang banda.

Nasa harapan ako ni Vesillius, habang sya ay nasa likod ko nakayakap sa bewang ko at nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Enjoy the night!" Sigaw nung sa tingin ko ay vocalist sa banda.

Sumasabay ang lahat sa kanta, may mga nakabukas pa ang flashlight habang nakiki-jaming sa kanta. Ganon din ang ginawa ni Vesillius.

"Ang ganda." Bulong nya ng magpakawala ng fireworks lalo’t tapos na ang pag-pe-perform ng banda.

"I agree." Sagot ko at pinanood ang fireworks.

"Ang ganda." Bulong nya ulit, pero hindi na sa fireworks sya nakatingin kundi sa akin.

"Huh?" Nalilitong tanong ko.

"At kailan pa ako naging fireworks?" Nakapamewang na sabi ko.

"Alam mo mahal ang ganda mo eh, ang talino, matapang kang babae. Nasa sayo na lang lahat pero slow ka." He said at bahagya pang pinangigilan ang pisnge ko.

"Utot mo." Sabi ko at nagpauna ng mag-lakad, pero hindi binitawan ang kamay nya.

"Tara na." Yaya ko sa kanya, dahil sobrang init na rito sa arena.

"Opo, mahal ko." Sagot nya at sinabayan na ang lakad ko.

"Vesillius? Ikaw nga." Sabi nung babaeng balingkinitan ang katawan.

Napaangat ang kilay ko ron. "Keisha? Hindi kita namukhaan." He said.

Akmang hahalik sa pisnge nya ang babaeng Keisha ang pangalan ng agad nyang ipulupot ang kamay sa aking bewang. Bumaba naman ang tingin ni Keisha ron, kita ko pa ang lihim nyang pag-irap.

Bibigwasan ko talaga ’to.

"Amyrah, my girlfriend soon to be my wife." Vesillius said at bahagya pang pinisil ang bewang ko.

Lihim namang umirap yung Keisha.

"Who is she, love?" Tanong ko, tumitig ako sa kanya ng walang kahit anong emosyon.

"She's, Keisha. My old friend." Vesillius said.

"No, I'm he's ex." Maang na sagot ni Keisha.

I raised my eyebrows. "I'm not even courting you, so stop saying that i'm ex, excuse us." Vesillius said at hinila ako nito papasok sa sasakyan nya.

"So, she's your first love. Mhmm?" Tanong ko sa kanya.

"No." Sagot nya at nanatiling nakapahinga ang kamay nya sa aking hita.

"Eh, sinong first love mo." Tanong ko na lang, habang nasa byahe kami.

"You and my mother." He said, napalingon naman ako rito.

"Parang gago, ano nga." Iritang sabi ko, trip ata ako nito masyado eh.

"It's you, i swear. Wala pa naman akong minamahal noon, bukod sa nanay ko. Even your always rude to me, mas lalo kitang minamahal." He said at pinagsuklob ang kamay namin.

"Paano kung. . . Huli na pala natin ’to." Out of nowhere kung tanong.

"Edi, itatakas kita para hindi na natin maging huli 'to." He said.

"Maiintindihan mo naman ako diba." Agad na sabi ko at nahinto nya naman ang sasakyan.

"I will always understand you." He said and he smile to me.

I smiled as if it's okay. "Mahal na mahal kita." I sincerely said.

"Mahal na mahal kita." He said, hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay nya.

"May problema ba tayo?" He ask ng mapansin nya ang pananahinik ko.

"Marami." I murmured.

"I heard it love, i told you to tell me everything. Para sabay natin susulusyunan, hindi yung ganito na nagangapa ako." He's mouth curved into a smile.

"Sana nga kaya kong sabihin sayo, pero alam ko na kapag dumating ang panahon na ’yun. Magpapasalamat kapa sa akin kasi ginawa ko ’yun." Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko.

"Hinding-hindi magiging malaking tulong ang pag iwan sa akin. Sa tingin mo ba matutuwa ako kung iiwan mo ako ng hindi ko alam ang rason?" He said, malamlam din ang kanyang mata.

"Tama na nga, let's enjoy this night." I cut him off.

Nakangiti naman syang tumango ron at dinala ako sa isang mamahaling restaurant. "It's so pretty here." Usal ko habang pinagmamasdan ang lugar.

"I agree." Vesillius said at pinulupot ang kamay nya sa aking bewang.

"Vesillius Marcello." Aniya ni Vesillius sa babaeng lumapit sa amin para tanungin kung may reservation ba kami.

Iginaya kami sa lamesa na pang dalawahan. Inalalayan muna akong umupo ni Vesillius bago sya maupo sa kanyang upuan.

Matapos kumain ay nilabas ko na ang black credit card ko at iniabot kay Vesillius. Inirapan ako nito, at ibinalik sa aking ang credit card ko.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"I told you, everytime that we have date. I will the one who pay our bills." Pakikipagtalo pa nito sa akin.

"Pareho naman tayong kumain, kaya magbabayad din ako." Usal ko.

"You naughty girl, I invited you. So I should pay. As long as you agree to come with me, I'm happy. I will pay our bills when i date you. So, stop being naughty girl." Vesillius said.

Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. Dapat ay gawin kong memorable iton date namin lalo’t huli na ’to.

Nakakapit ako sa braso nya habang papalabas kami ng restaurant, mukhang napansin nya ang pananahimik ko kaya hinarap nya ako sa kanya.

"Do we have a problem, love?" He ask me nakasandal lang sya sa labas ng sasakyan nya habang nasa harapan nya ako.

"Mamimiss kita." Bulong ko at mahigpit syang niyakap.

"Magkikita pa naman tayo bukas, lalo’t graduation natin." Pagpapakalma nya sa akin at pinaglaruan ang buhok ko.

Tumango lamang ako at nanatiling nakayakap sa kanya, lalo yata akong mahihirapan dahil sa ginagawa ko.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now