Chapter 38

91 3 0
                                    

38 : Graduation

*****

"Happy, graduation day. Ate!" Bungad sa akin ni Autumn at ibinigay sa akin yung maliit na box na hawak nya.

"Ano ’to suhol? Pa-party ka na naman?" Nakapamewang na sabi ko.

"Hindi naman ate ’to naman, graduation gift ko lang." Pagpapacute nya pa sa akin.

Napailing na lamang ako at kinuha ang bigay nya sa akin. Nakita ko namang pababa si Adalia malaki rin ang ngiti nito sa akin.

Napailing na lamang ako, bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na mas matigas pa sa bato ang ulo?

"Happy graduation day, my favorite ate." Bungad ni Ada at hinalikan ako sa pisnge.

"Wala, tigilan mo na kaka-travel." Agad na sagot ko.

Napasimangot naman sya ron. "Si ate napaka judgemental, mahal ka lang talaga namin." Sabay pa silang yumakap sa akin ni Autumn.

Napailing na lamang ako at ginantihan ang yakap nila.

"Bukas ang graduation mo, Adalia Aaziza hindi ba? Ikaw naman Autumn Claudia sa miyerkules, tama?" Tanong ko sa kanila at sinama pa ang mga second namin nila.

Napasimangot silang pareho dahil don. "Of course ate." Sabay na sagot nila.

"Tara na, baka ma-late tayo." Bungad ni Eloise.

May hawak pa itong tarpulin na may mukha ko at party hat, napailing na lamang ako. Para akong may tatlong anak at ang mga kapatid at si Eloise ’yon.

Sumakay na kami sa Lamborghini, nasa likod naman namin ang tatlong van na may laman ng mga tauhan namin. For our safety na rin at ang dalawa pang van ay ipinadala ko kila Vesillius.

Saint Aquarius Academy, Graduation day batch 2024-2025

"Good morning, Señora." Bati ni Thiago at humilera na sila sa dadaanan naming magkakapatid.

I don't know i feel powerful dahil pinaghandaan pa talaga nila na lalakad kaming tatlo sa red carpet. Habang nakahilera ang mga bodyguards namin.

"Sheesh, ate. Ayoko talaga nito." Bulong ni Autumn sa gilid ko.

I held her hand para kumalma sya.

"Chill, okay." Mahinahong sabi ko at inalalayan silang maupo sa vip seat.

Naupo na ako katabi ang kaklase ko, Vesillius smiled at me and he kissed my cheeks when he arrives.

"Vesillius Dwight Marcello - Magna Cum Laude." Pag-tawag kay Vesillius.

I clapped my hands and give him a flying kiss, naging dahilan ’yon para magtilian ang mga kaklase ko. Napailing na lamang ako sa kanila.

"Amyrah Molly Montecillio - Summa Cum Laude." Pag-tawag sa pangalan ko.

I didn't smile ng umakyat ako sa stage, dahil wala namang mag sasabit ng medalya ko.

"Oh, akala mo walang magsasabit sa medal mo. Ate, ’no?" Pang-aasar sa akin ni Autumn at Adalia.

Napailing na lang ako pero kalaunan ay ngumiti ng sabay pa nilang sinabit ang medalya sa akin. I feel like, kahit wala kaming magulang ay heto sila at hindi ako pinapabayaan.

"Congratulations ate, we’re so proud of you." Autumn said at niyakap nila akong pareho.

"WUHU!! GIRLFRIEND KO YAN!" Sigaw ni Vesillius, naging dahilan ’yon para mag echo sa loob.

Napailing na lamang ako at ngumiti sa kanya. Namula pa ng bahagya ang pisnge nya, ang cute-cute talaga ng boyfriend ko.

Masaya akong bumaba sa stage, dati kasi ay hindi ko sinasabi sa mga kapatid ko kapag nakakatanggap ako ng ganitong award. Nakakahiya kung sila ang pagsasabitin ko ng medalya sa akin. But now, i feel so complete. At dahil sa kanila ’yon.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now