11

159 8 1
                                    

"Ayun nga ang sabi ko sakanya e," si Andrea. "Sabay kaming umuwi tapos sabi niya hindi raw,"




Tinignan ako ni Amber. "Kulang ka lang ba sa tulog?" tanong niya.




"Totoo nga ang sinabi ko! Bakit ayaw niyong maniwala saakin?" halos maiyak-iyak na ako para lang maniwala sila.




"Sabay tayong umuwi," mahinahong paliwanag ulit ni Andrea saakin. "Bumili pa tayo ng milk tea," dagdag niya. 




Umiling ako, "Hindi yan totoo!"




"Sabi mo sinuntok ka sa tyan?" si Soleil. Napatingin ako sakanya at tumango. "Tapos hinampas ulo mo?" tanong niya at tumango ako ulit.




"Totoo 'yun!" tinignan ko pa sila para lang maniwala. "Bakit ba hindi kayo naniniwala saakin?" tanong ko.




"Last week yan nangyari, tinignan pa natin yung CCTV footage kanina at nakita naman doong magkasama kayo tapos 'yung guard na sinabi mo ang sabi niya umuwi na lahat ng istudyante nung mga oras na 'yon," si Andrea ulit.




"Pero kasi..." 




Hinawakan ni Amber ang magkabila kong braso at saka ako marahan na kinausap. "Samantha, baka nightmare lang 'yun. May mga masasamang panaginip talaga na parang totoo kaya ayan ang kondisyon mo ngayon."




Hindi ko na magawang umangal dahil hindi naman sila naniniwala. Gusto kong sabihin yong about sa lalaking tumulong sa akin pero anong silbi non e hindi ko kilala! Saka maniniwala ba sila e hindi naman?!




Kahit na ilang araw na ang lumipas mula non ay hindi pa rin nawawala ang ala alang 'yun, parang totoo talaga.




Ngayon nag focus nalang ako sa pag aaral ko at saka sa pag fa-fangirling sa Ace Bander. Gusto kong pangunahan ang fan meeting pero hindi ko naman alam kung paano at saka hindi naman ganoon kakapal ang pagmumukha ko.




Sikat na sila, halos hindi ko na siya makita sa personal at mag iisang taon na din sumula nung nakita ko ang pamilya ko...simula nung nasampal ako at simula nung naging sweet sa akin si Cold.





Sa mga nagdaang Christmas at New Year wala manlang akong natanggap na pagbati mula sa kanila, kahit sa kapatid ko o mama ko manlang wala. Hindi ko naman maipagkakaila na gusto kong makasama sila sa mga araw na yun pero hindi ko alam kung nasaan sila.




Hindi ako kino-contact ni mama o ng kapatid ko, parang nagsari-sarili nalang kami ng buhay.


"Ikaw? Makakapunta ka?" tanong ko kay Andrea.




"Hindi eh," sagot niya habang may tinitipa doon sa laptop niya at may ginawa siyang eroplano na hindi ko alam kung saan gawa...sa bulak yata or mga papel ganon tapos pinagdikit dikit niya.




"Ayun yung first fan meeting nila na madadayuhan ng club natin," pangungumbinsi ko. "Hindi ka talaga sasama?" tanong ko.



STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now