24

183 8 2
                                    

Nag stay kami sa cebu nang hindi ko pinapansin o kinakausap si Cold.


Hindi ko alam ang sasabihin ko at bakit ko naman siya kakausapin diba?


Kahit ilang bwa pa ang lumipas na hindi kami mag usap wala akong pakielam.


I was actually blaming myself kasi naniwala akong gusto niya rin ako, na may feelings rin siya para saakin pero wala—wala!


Nuong una, hindi ako sanay na maging sweet siya saakin—or in-assume ko na naman na sweet lahat ng 'yon?


Heck! Baka naman kasi ginawa niya lang yon kasi gusto niya at alam niyang 'sweet' ang magiging dating non sa'kin?


Tapos ako naman si TANGA nagpa UTO tapos sa huli iiyak iyak at sisisihin ang sarili. Hindi ko naman talaga....talaga alam ang gagawin ko nung simulang nag changed ang pakikitungo niya saakin.


Nagdadalawang isip nga ako eh pero....pero tinake advantaged ko din naman pala 'yon kaya ibig sabihin may kasalanan rin ako sakanya.


Pero...pero 'yung pinakita ko sakaniyang gestures are genuine! While his is fake!


That's the difference!


Alam kong nakakapansin na ang mga kaybigan ko dahil sa pananahimik ko at hindi ko pagkausap kay Cold but they just shut their mouth up kahit na gustong gusto na nilang magtanong.


Nang makauwi na kami at naipasok ko na ang ang mga gamit ko sa kwarto ko ay ni-locked ko ang pintuan at napasandal sa likod ng pintuan...saka dahan dahang napaupo, nanghihina dahil sa mga nangyari.


Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa tinitirahan namin e basta pag gising ko nasa kama na ako at amoy alak! Nakakadiri! Ambantot na ang baho!


Tinanong ko sila Andrea ang sagot naman nila ay nang makauwi na sila galing sa concert ng Ace Bander sa tabing dagat ay nakahilata na ako sa kama at natutulog habang amoy alak!


Hindi daw nila ako pinalitan kasi alam nilang ayaw ko nang pinapalitan damit ko kapag lasing—i mean! Ah basta! Maarte ako e!


Saka buti nalang din hindi nila ako pinalitan dahil gusto kong maalala kung bakit ako naglasing para pag gising ko hindi ko na hahabol habulin si Cold na naiinis—sobrang naiinis sa presensya ko!


Nagdaan ang mga araw na hindi ko pinapansin si Cold, nang hindi ko siya kinukulit kahit na kating kati na ang mga daliri kong magtipa na nang mensahe para sakanya.


Pero...sa tuwing nakikita ko si Andrea na may progress na sa crush niya...naiinggit ako kaya kapag pumupunta si Cold dito kahit na masakit nilalandi ko pa rin siya.


Para na din hindi makahalata sila Andrea.


"Umuwi kang tao please," pang aasar ko sakanya dahil aalis na naman at may date sila ng crush niya, tinignan niya naman ako at nag flying kiss lang ako saka tumawa.

STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now