18

125 7 3
                                    

"Gan'to?" tanong ko habang ginagawa ang sinabi niya kanina.



"No," he went to me and guide me, nasa likod ko siya ngayon at parang nakayakap saakin. 



"You're doing it in a wrong way," he added.



"Hindi naman kasi dapat ganon kaliit ang cuttings diba? It depends," pakikipagtalo ko.



Gusto niya kasing cutting ng blueberry is maliit, tapos gusto ko namang cutting is 'yung medyo malaki.



"Yeah, but it's a drink. What if your customer is so thirsty and he wants this drink. Aabalain mo pa siyang ngumuya ng blueberry," pakikipagtalo pa niya.



"Kaya nga it depends diba? May cut na gan'to kalaki at gan'to kaliit." Turo ko sa hinati niya at hinati ko.



"Why are you so stubborn?" he asks. "I'm teaching you and you're teaching me? What is this? Teaching each other?"



"Yes yes," tumango ako at tinulak siya. "Go, do your part and I'll do mine. Ako naman ang iinom nito kaya wag kang mareklamo,"



He sigh and went back to his place. Tinuro na niya saakin ang takal kung gaano kadaming gatas at sinunod ko naman siya hanggang sa matapos na at toppings nalang ang ilalagay.



"Oh, toppings nalang ah. I will put what I want," agap ko agad kasi alam kong may say na naman siya.



Napabuntong hininga nalang siya. "Fine," sukong sabi niya.



I giggle, ayan, ganyan dapat maging masunurin ka.



Hindi na niya inabala pang lagyan ng toppings ang drink niya at ininom nalang 'yun habang ako focus na focus sa paglalagay ng toppings at iniisip kung anong magiging lasa non.



Nakaupo na siya sa counter ngayon habang umiinom ng drink na gawa niya at pinapanood ako.



Hindi ko alam kung bakit ganyan siya...hindi talaga maalis sa isipan ko ang ugali niya ngayon.



"Wala ka pa bang ibang gagawin?" tanong ko para naman may mapag usapan kami.



"None, why?"


STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now