25

157 8 1
                                    

The party went well, siguro nasa isip na ni Cold na may saltik ako sa ulo! Na may sakit ako sa pag-iisip! Paano ba naman kasi ilang bwan kaming hindi magkausap, hindi ko siya kinukulit sa chats o mag like and comments manlang sa mga posts niya—like! Hello?! Tapos kapag nakikita naman namin ang isat-isa sa personal kung makalandi ako parang walang nangyari –e meron ngang nangyari diba?!


Parang napaso akong umalis sa tabi ni Cold at hindi manlang siya nilingon nang lumapit ako kila Serenity kasi aalis na kami, nagpaalam ako sa lahat except kay Cold.


Tinignan ko ng masama si Andrew, tarantado! Ano raw?! Kapag pinansin ko si Cold e ano?! Tangina! Naisahan niya ako ron!


Ending, naging third wheel ako nila Andrea at taga bitbit pa ako ng paper bag!


Pero ayus lang kesa namang wala akong masakyan pauwi diba?! Like hello?!


Napailing iling nalang ako sa mga katangahan at kabaliwang pinaggagagawa ko the whole week! The whole past months! Shuta!


"Anong oras flight mo bukas, Andrea?" tanong ko, pupunta kasi siyang U.K.


"4:00 am," sagot niya.


"Oh, dapat 3:00 am andon kana,"


"Yap, but don't worry ayus na 'yong gamit ko,"


"Ga'no ka katagal don?" tanong ko dahil baka abutin siya ng bwan ron e, maiiwan akong mag isa...hindi kasi ako sanay na malayo kami sa isat-isa..I mean! Since bata kami—kami kami na ang magkakasama! "Maiiwan ako mag isa busy 'yong dalawa,"


Natawa siya, "Don't worry one week lang ako don,"


Agad akong napabalikwas sa prenteng pagkakaupo ko sa back seat ng kotse ni Khalil, "One week?! Grabe naman pero sige na nga," nag cross ako ng kamay sa dibdib at tumingin nalang sa labas ng bintana...hayst, ayus lang 'yan...h'wag kang OA Sam! Ngayon lang sila ulit magkikita ng family niya! H'wag kang selfish okay?!


Pero...gustong gusto kasi ng lola niya na bumalik na siya sa pagmomodela e...what if bumalik siya? Iss iss! H'wag OA Sam!


Pero...hindi ako dyan kinakabahan e, hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari sa U.K...kapag ganitong kabado kasi ako alam kong may hindi magandang mangyayari e.


Sana naman wala.


Isang lintek na mura ang naibulalas ko nang paglingon ko sa harap nag PDA ang dalawa! Grabe nag aalala ako sa kutob ko at sa mangyayari sakaniya sa U.K tapos heto?! Susmiyo!


Diyos santo clara.


Hindi ko talaga maalis sa loob loob kong h'wag bigyang pansin ang kutob ko lalo na nang umalis na nga si Andrea...kahit pa na hinatid siya ni Khalil sa NAIA.


"H'wag ka ngang OA, Sam...okay?" napailing iling nalang ako saka napabuntong hininga.


STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now