22

191 11 3
                                    

Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang binigay niya. "Seryoso ka ba?!" tanong ko, gulat pa din.


"Yeah," sagot niya.


"Bigay mo talaga 'to?! VIP ticket?!" gulat na gulat kong tanong, alam ko namang wala lang 'to sakaniya pero kasi hindi ko naman expect na magbibigay siya ng VIP tickets para makapanood kami ng concert nila sa MOA. Mag co-concert na kasi sila ulit dito sa pinas after nilang mag concert sa ibang bansa.


"Yeah, you can go and bring your friends with you,"



"Oh sige sige," sagot ko saka nilagay sa bag ang tickets. "Thank you," pasasalamat ko sakaniya.


VIP ticket talaga?!


"Oh sige ba! Isasama ko talaga 'yung dalawa dahil panigurado namang talagang—well! Literal na pupunta si Andrea, 'yun pa!" sagot ko sakaniya.



Ipakita mo lang ang concert ticket ng Ace Bander, gora na agad 'yun e!



Nagpaalam na siya saakin dahil may rehearsal pa raw sila, actually dumaan lang siya para ibigay ang apat na ticket na 'to.



Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si Andrea, as usual, pinapanood na naman 'yung Chinese drama! Nakailang ulit na siya riyan,, lagi lagi at maya't maya niya pinapanood!


"Hindi ka ba nagsasawa dyan?" tanong ko.


"Hindi," sagot niya habang hindi inaalis ang paningin sa TV para matignan naman ako kahit saglit lang. "Pareho sila ng hairstyle ni Khalil diba?!" tanong niya saka malawak ang ngiting tinignan ako.


Napakunot ang nook o habang naka cross arms ako, saka ko siya pinagtaasan ng kilay ng may mapagtanto. "So, kaya mo pinapanood 'yan ay dahil kapareho ng hairstyle ni Khalil 'yang bida dyan?" tanong ko.



Nanigas ang ngiti niya saka tumingin sa baba bago binalik agad ang tingin saakin, "Hindi ah," sagot niya saka na ako tinalikuran at binalik ang paningin sa TV.


Tss, kapangit niya mag sinungaling legit.


Naalala ko bigla 'yung about sa ticket!


"Andrea," lumapit ako sakaniya saka naupo sa tabi niya.


"Hmm?" sagot niya, tutok pa rin ang paningin sa TV. "Ano 'yon?" tanong niya at tinignan ako, saktong i-aalis na niya ang tingin niya saakin pero bigla kong pinakita ang concert ticket ng Ace Bander.


Nakita ko sa mga mata niya ang agarang pagning-ning. "Binigay saakin ni Cold kanina, punta raw tayo sa concert at alam ko namang papayag ka agad kaya heto," inabot ko sakaniya ang ticket. "Aayain ko 'yung dalawa pa, masyado silang stress at kaylangan nila munang mag relax," dugtong ko.



Tumango tango lang siya saka nakangiti na ulit na nanood. Adik sa C-drama ampotek.


Napailing iling nalang ako at umakyat na sa kwarto ko, maya maya ay inaya ko na 'yung dalawa dahil sabay silang dumating...late na halos medaling araw, hindi rin kasi ako makatulog kaya ayun! Inantay ko nalang.



"Sige, subukan ko," sagot ni Amber.



"Let me see," si Soleil habang umiinom ng tubig. "I have so many readings," dugtong niya.


"Alam ko namang sobrang dami niyong gagawin pero diba?! Isang gabi lang naman pero kung sobrang busy kayo talaga...pwede namang dalawa nalang kami ni Andrea e," baka kasi sobrang dami ng gagawin nila—well! Madami naman talaga, pero nagbabakasakali lang naman ako na baka may time sila at makapunta diba.


STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now