Chapter 3

161 1 0
                                    

Habol ang tingin ni Luke kay Isabel ng magpaalam at nagmamadali siya nitong iwan. Di niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nakadama ng pagkadismaya ng mapawi ang magaan na pakiramdam at contentment na namayani sa kanyang puso habang nasa bisig kanina ang dalaga.

Matamis ang mga ngiti nito habang kausap ang wari niya ay pamilya nito. Napakasarap nitong titigan. Sa tuwing ngingiti o tatawa ito ay lalong naniningkit ang mga mata at namumula ang mga pisngi nito.

"Isabel Soriano, 23 years old. Mabait, masipag matalino at higit sa lahat single at hate ang babaero." Sabi ni Kristine mula sa kanyang likuran.

Sa tono ng pananalita nito ay sigurado siyang nakita nito kung paano niya panuorin ang dalaga.

" Hmmmmm......." Tangi niyang nasabi tsaka nilingon si Kristine, bestfriend ng kanyang nakababatang kapatid.

"Hmmmmm... Tsk....." Panggagaya pa nito sa kanya habang naka abrisyete ang mga braso.

"Alam mo..., kung sya ang ipakikilala mong girlfriend to Kathy..., She'll be ecstatic.

"But, that won't happen...... kasi you're the opposite ng ideal man niya." Mahaba nitong sabi habang nakatingala ito sa kanya na tila sigurado sa sinasabi.

Napa iling iling na lamang siya habang may munting ngiti tsaka ginulo ang buhok nito. "As if she knows what her ideal man is.Tskkk."

"Lets go. I'm sure hinihintay na tayo ni Kath" Pagbabalewala niya sa komento nito.

Ayaw na kasi niyang humaba pa ang usapan tungkol kay Isabel. Nang marinig niya kanina ang salitang
"hate ang babaero" ay nakaramdam siya ng relief and disappointment. Why? Hindi rin niya alam at ayaw na niya na pagtuunan pa ng pansin iyon.

"Kuya!" tili ni Kathy ang sumalubong sa kanya.

Maingay sa buong classroom na kinaroroonan nila pero nangibabaw parin ang boses nito.

Patakbo itong lumapit sa kanya staka yumakap ng mahigpit.

"Yeah... I miss you too Sweet Kath" tumatawang bati niya dito. No words needed from her. Sa pagsalubong pa lamang nito sa kanya ay batid niya kung gaano siya nito na-miss.

"Sis guess who..... the girl na kayakap ng Kuya Luke kanina...." Singit ni Kristine parang tuwang tuwa.

Agad bumitaw sa pagkakayap kay Luke ang kapatid. Tumingin sa bff na si Kristine tsaka muling bumaling sa kapatid.

"Kuya!" Nakasimangot at masungit na tawag nito.

"What?" Patay malisyang niyang tanong at nagsusupil ng ngiti.

"You just came. May babae ka na agad. Don't tell me may bago ka nang girlfriend." Nakanguso pa ito habang nakatitig na nakatingala sa kanya. Nakakatuwa itong magtampo. Parang bata.

"Tsk... Wag kana sumimangot dyan. " Iniangat niya ang kamay tsaka pinisil ang pisngi nito.
Pero lalo lang ito nainis. kaya naman nag paliwanag na siya dito.

" Tinulungan ko lang sya. I don't really know what happened. Mahuhulog sya ng tuluyan sa hagdan if I wasn't able to act fast and catched her kanina.
Yun ang naabutan ni Kristine.....

"Though I would like it if she'll be my girl...." Why not right? She's gorgeous. Smooth and clear skin, small face, pointed tiny nose, kissable lips and her eyes. Those cute chinita eyes that he thinks he'd seen before. But unfortunately he can't be his girl-she's not the type of girl that indulge to ONS.

Nung una ay lumiwanag pa ng mukha ni Kathy sa narinig kahit mukhang duda padin ito. Pero nang marinig ang huli nyang sinabi ay bakas na naman ang inis sa mukha nito.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now