Chapter 34

71 1 0
                                    

Nang umalis ang mga trabahador ay naramdaman niya ang masuyong haplos ni Luke sa kanyang buhok. Nakaramdam siya ng contentment, calmness, happiness. Para bang everything felt inplace, her in his arms. Walang takot o pag aalinlangan.

Bahagya siyang lumayo kay Luke ng hindi umaalis sa bisig nito, just enough to lift her face and stare at his awaiting eyes. And there, she saw love, happiness, contentment just like what she's feeling. In his eyes, para bang she's the most beautiful girl in the world, na lagi naman niyang nakikita sa mga mata nito.

Ngumiti siya ng pagkatamis dito bago magsalita.

"Flower farm??" Pasimpleng aya niya dito. Gusto niyang sabihin na, sa binata of what she really felt for him pero meron ding parte sa kanya na hindi pa handa. Parang hindi pa ito ang tamang oras. Kaya mas pinili niyang iparamdam nalang ang nararamdaman sa matamis na ngiti niya.

Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya kasabay ng malamlam at puno ng pagmamahal na mga titig nito, kasunod ng matamis rin nitong ngiti.

"Let's go My Angel...."

Magkawak kamay muli silang naglakad. Panay ang sulyap at ngiti sa isa't isa. 

Susulyap, tapos ngingiti, tapos ay tutugunin din ng matamis na ngiti ng isa. Walang tensyon, walang kaba... Just their heartbeats na para sa isa't isa— feelings of so much love na ipinahihiwatig sa mga sulyap, ngiti at ang bahagyang paghigpit ng hawak sa kamay ng bawat isa. 

Naputol lamang ang kanilang sulyapan ng mabaling ang paningin niya sa malawak na bakuran. 'Leila Flora' , yan ang nakasulat na magarbong arko ng gate na napalilibutan ng roses na gumagapang.

Ipinikit niya ang kanyang mata at lumanghap ng hangin. Dito pa lamang sa labas ay langhap niya ang halimuyak ng sari saring mga bulaklak. At dito pa lamang sa labas ay may ilang bulaklak na siyang natatanaw.

"May sarili palang bakuran ang flowers?" Tanong niya kay Luke nang magmulat siya ng mata.

"Yes, My Angel. Just to make sure it's protected from animals. Napakahalaga ng flower farm na ito sa pamilya nina Ed."

Napatango tango siya. Tama nga naman.

Maya maya ay natanaw na sila ng isang tauhan ng hacienda. Mukhang nakilala naman nito si Luke kaya di pa man sila masyadong nakakalapit ay pinagbuksan na agad sila ng gate nito.

"Magandang hapon po Sir Luke." Bati nito nang makalapit sila. Tsaka ito bumaling sa kanya. "Magandang hapon po Señorita. " Bati rin nito sa kanya.

"Magandang hapon din po" Sagot ni Luke. Habang siya ay ngumiti lamang dito. Hindi kasi siya kumportableng tawaging 'Señorita'.

"Welcome po sa Leila Flora." Turan nito.

Maya maya ay may isa pang trabahador ang lumapit sa kanila.

"Señorito, heto po ang susi ng jeep. Naka parada na po iyon sa loob. Handa narin po ang ipinaayos ninyo. Magsabi lang po kayo sakin o sa ibang trabahador dito kung may kailangan pa kayo." Nakangiti nitong turan kay Luke. Tsaka nagpaalam. Habang siya naman ay napakunot nuo sa kuryusidad.

"Pinahanda?" Tanong niya kay Luke.

"It's a surprise My Angel. For now lets explore the flower farm." Sagot nito na may makahulugang ngiti at tingin.

"Lalo akong na-curious..
Ano ba kasi yun? Sabihin mo na.. Tutal nandito na naman tayo."

"Right... Nandito na tayo, so it won't hurt to wait a little longer. " Biro nito sabay pisil pa sa ilong niya. Napanguso tuloy siya kasunod ng mahinang pagtawa ni Luke.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now