Chapter 55

111 1 0
                                    

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso
Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Tagos sa puso ang linya ng kanta ni Yeng Constantino na syang theme song ng kanilang kasal.....,

Habang nasa isang Zip Line sya.

Ipinasadya talaga ni Luke sa loob ng isa sa pinakamatandang simbahan sa Quezon.

Suot niya ang napakagandang wedding gown na talagang ginastusan, sponsor ang Mommy ni Luke. It's a white long, very long gown.

Yes, ikakasal na siya ngayon, kay Luke. Yes, 2months na siyang buntis.

Talagang sinigurado ni Luke, para daw wala na syang kawala.

Si Luke din ang talagang may gusto na ganito ang theme ng kasal, re-enactment daw ng first meeting nila.

Yung NAHULOG SYA at NASALO NIYA.

KAya ayun, imbes na naglalakad sa aisle, ay nasa Zip Line sya. Feeling nya tuloy sya si Regine Velasquez nung kumanta ito sa concert ng "On the wings of love"

Naalala niya yung araw na nasalo siya ni Luke sa University. Bigla tuloy siyang natawa. May perks din pala minsan ang pagiging lampa niya. Kasi dahil duon nagkakilala sila.

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay

Habang dahan dahan ang paglapit niya sa altar ay nakatitig na siya kay Luke. Si Luke na minahal sya ng sobra sobra na dati akala niyang imposible, na may magmamahal sa kanya ng tunay.

Parang nag flashback sa kanya ang mga pangyayari nuon. How much she fell, how much she cried.

But with Luke, totoo yung lyrics sa kanta ni Yeng. Kapag si Luke ang kasama niya, she's very happy that she forgot her pains and worries.

Totoo pala talaga, may darating na tao sa buhay mo na ipaparamdam ang totoong halaga mo. Yung tatratuhin ka ng tama, mamahalin ka ng higit pa sa inaakala mo.

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
At hindi pa'ko umibig ng gan'to
At nasa isip makasama ka habang buhay

Nang makalapit siya ng tuluyan sa altar at unti unti ng bumababa habang nakaabang si Luke upang saluhin.

Bakas sa mukha nito ang sobrang kasiyahan.

"Come to me My Angel!" Biro pa nito.

Kaya ang mga bisita pati mga tao ay nagsitawanan.

Bahagya parin syang nasa ere pero hawak na ni Luke ang bewang niya.

Inilabas niya ang nakatagong microphone sa bouquet, ngumiti kay Luke at tsaka kinanta ang maiksing parte ng kanta.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now