Chapter 13

83 0 0
                                    

It's been more than a month simula ng manligaw si Luke kay Isabel.

Naging consistent ito. Sabay sa elevator sa umaga, roses sa kanyang table, lunch together at syempre ang paghahatid nito sa kanya pauwi. Everyday nadadagdagan ng isang rosas ang ipinapadala nito sa kanya. Kapag nagkataon na busy o may important meeting sa labas ay parating may table sa cafeteria na puno ng food para lang sa kanya. Ayaw daw kasi nito na nagugutom siya. At tuwing uwian ay ihinahatid din siya nito. They would stay close together in silence and taking glances of each other. Hindi na ulit siya nagtangka na kontrahin ito sa panlilibre ng pamasahe. Ayaw na niya mangyari ung dati na naging center of attraction sila ng mga kapwa pasahero. He would try to strike a conversation from time to time pero tulad ng dati ay short lang ang sagot niya. Nakakatuwa na okay lang sa kanya yun. Na hanggang ngayon di pa ito sumusuko kahit na pinapakita niya na walang epekto ang panliligaw nito sa kanya-more like pinapakita niya na hindi parin niya tinatanggap ang panliligaw nito.

His effort. His sweet gesture. Him being persistent and consistent-ang hirap balewalain nito. Di niya maiwasan mapa ngiti, kiligin at matuwa. She appreciated it. Kaya ayaw niyanh i-entertain aang panliligaw nito nung una e..... alam niyang delikado ang kanyang puso.

Naging mantra na ata niya ang
"Guard your heart Isabel. Susuko din yan." Kahit deep inside she's hoping that he will not.

Nasa harap na si Isabel ng elevator ngayon naghihintay. She took a glace sa entrance pero wala parin si Luke.
Nagmessage ito sa kanya kahapon na last night ang flight nya pabalik dito sa Pilipinas kaya sigurado siyang papasok ito ngayon.
Yes, nag memessage ito sa kanya-parati. Kahit minsan nya lang replyan at kung minsan pa ay susungitan lang niya.

Madalas itong mag send ng sweet messages. Kaya di niya magawang pigilan ang ngiti. Okay lang naman diba? Di naman nito nakikita.

Pagkarating ng elevator ay pumasok agad si Isabel dito. Di niya maiwasan mag isip kung bakit wala si Luke. Hindi kaya may nanyari dito? O baka naman bumalik na ito sa dating gawi na maaga pumapasok. Sinadya kaya nito na pumasok ng maaga para iwasan siya? Sumuko na kaya ito?

Biglang kumirot ang puso niya sa naiisip. Parang may tumusok tusok sa puso niya. Napatingala siya para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha. Pero pumatak parin iyon.

Agad niyang pinahid iyon at tsaka huminga ng malalim.

Nagulat si Isabel ng may isang braso ang pumigil sa pag sara ng elevator.
Nang tuluyang itong magbukas ay napa singhap siya at bahagyang nanlalaki ang mata.

Magiging formal kaya ulit ito sa kanya tulad ng dati nung tila nagsawa ito kaka effort na batiin siya. Di kaya napikon na ito sa one question one word na sagot niya sa tuwing sinusubukan nitong makipag usap sa kanya.

"Good morning My Bel!" Nakangiti nitong bati.

Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang natural na ngiti ni Luke. Hindi ito nagbago hindi ito sumuko.

"Good Morning!" Tsaka sya ngumiti. This time hindi pilit o tipid ang ngiti niya.

Napatid ang ngiti niya ng makita ang hitsura ni Luke. Tulala ito at halata ang gulat sa mga mata. Na conscious tuloy siya.

"I miss that." Turan nito habang nakatingin padin sa kanya.

"ha?" Naguguluhang tanong niya.

"Your smile- - - your real warm smile."

"Ngayon ka lang ulit ngumiti ng ganyan sakin. " Nakangiti at di pakapaniwalang turan nito.

Biglang nag init ang pisngi at tenga niya sa narinig. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Di niya alam kung ano ang gagawin.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now