Chapter 35

59 1 0
                                    

They got to enjoy the Lake pagkatapos ng usapan nila Luke. Mabuti nalang at pati pamalit na damit ay nakapagdala si Luke. Nag init pa ang mga pisngi niya nang pati underwear ay hindi nito nakalimutan.

"No need to be embarassed. Nay Teresa prepare those." Naalala niyang turan ni Luke habang nakatingin sa hawak niyang panty at brassiere.

Agad niyang itinago ang mga ito sa likod niya at hindi makatingin ng diretso dito. Habang ito naman ay may nananuksong tingin sa kanya. Samahan pa ng kakaibang ngiti nito na parang natutuwa sa reaksyon niya.

At tulad ng sinabi ni Luke ay may helicopter na sumundo sa kanila, doon sa bakanteng lotte malapit sa kanila ng madaling araw. She was nervous, first time niyang makasakay ng helicopter. Pero nagawa niyang i-enjoy ang ride dahil kay Luke. He calmed her, holds her hands and assures her that she's safe. He says, he got one of the best pilot flying the heli. Kaya ayun enjoy na enjoy siyang pagmasdan ang mga tanawin na nadadaanan nila, natanaw pa nga nila ang mala paraisong Leila Flora.

Sa rooftop ng condo ni Luke lumapag ang helicopter. Mag ta-taxi nalang sana siya, pero hindi pumayag si Luke.  Ihahatid daw siya nito. Pero siya ang hindi pumayag. Ayaw kasi niyang maabala pa ito. Pero nagpupumilit ito hanggang sa nagpahatid nalang siya sa driver ni Luke para lang mapanatag ito.

Nandito sya ngayon sa apartment nila ni Camilla. Hindi kasi siya pumasok sa trabaho. Yun din ang bilin sa kanya ni Luke, tutal naman daw ay hindi pa tapos ang 1week leave niya.

Kanina lang pagdating niya ay nag hahanda na si Camilla para sa duty nito. Inaya pa siya nitong mag breakfast pero tumanggi siya. Nakapag breakfast na kasi siya, kasama si Luke. And while she's having breakfast, she urged her na magkwento sa nangyari.

She joyfully obliged. Nakangiti at kinikilig habang nag kikwento. Ganun din si Camilla.

"Sana All!" Sabi pa ni Camilla at kitang kita sa mukha nito na kinikilig din.

"I'm very happy for you Sabel." Dugtong pa nito.

Ngayon naman ay nagbabasa siya ng nobela, pampalipas oras. Kesa naman mukha siyang tanga na napapangiti mag isa dito, tuwing sasagi sa alala niya ang mga nangyari sa kanila sa probinsya o ang mga ginawa para sa kanya ni Luke.

Nahinto siya sa pagbabasa ng mag vibrate ang cellphone, napangiti pa siya, baka kasi si Luke na ito.

From Luke:
I miss you My Angel. Meeting is done. I want to see you. And I will later. Rest well My Angel😙.

Lumawak ang pagkakangiti niya ng mabasa iyon. Kinilig din.  Mag rereply na sana siya nang bigla may nagregister na tawag, unknown number kaya napakunot nuo siya.

Nagaalangan man, pero pinili niyang sagutin yun. Baka kasi importante.

"Hello. Issang, where are you?" Parang natatarantang bungad sa kanya ng boses ng sagutin ang tawag, boses ni Fabio. Hindi rin niya alam kung paano nito nalaman ang number niya.

Hindi siya nakaimik agad. Gulat. Pinakiramdaman ang sarili. Wala ng sakit. Kung meron man ay panghihinayang, sa pagkakaibigan nila. Wala na yung love, kung meron may ay bilang kaibigan, kababata parin niya ito. Wala naring sama ng loob.

"Issang sumagot ka please. Nabalitaan ko'ng umuwi ka kasama si Luke. Pinuntahan kita pero hindi kita naabutan. Tinaboy nila ako. They told me you're with Luke and that you love him, na tigilan na kita. Mahal mo ba sya Issang? Tell me No. Please. Mahal parin kita Issang. Mahal na mahal. Let's talk please. "

"Wala na tayong dapat pag usapan Fabio. May pamilya kana and I have Luke. " Malumanay na sagot niya dito.
"Goodbye." Dugtong niya tsaka pinutol ang tawag.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now