Chapter 37

71 1 0
                                    

Dapat ay naka leave pa siya sa trabaho.

Pero mas pinili niyang pumasok sa trabaho para makita si Luke.

Pag pasok ng building ay natanaw niya agad si Luke na naghihintay sa harap ng elevator. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil hindi siya nito nakita.

He didn't know she'll come. She wants to surprise him. Pero ngayon naman na nasa harap na niya ito ay nahihiya siyang tawagin ito....

Paano nya ba ito tatawagin? Dapat ba Luke, Sir o Boss?

Naalala nya tuloy ang tanong nito sa kanya kagabi....

"Will you have an endearment for me now that you're my girlfriend?"

Malambing na tanong nito habang naglalakad pabalik sa restaurant. Parang bata itong nagpapacute sa kanya habang hawak hawak ang kamay niya. Tuloy ay napapatingin sa kanila ang mga nakakasalubong nila pati na ang mga staff.

Namula pa siya at di makatingin sa mga taong nakakasalubong dahil sa hiya. Kaya ang tanging sagot niya kay Luke ay pagiisipan niya na ikina pout ng mga labi nito. Di tuloy niya maiwasang napatitig sa mukha nito, ang cute.

Nakita na niyang seryoso si Luke. Nakita na niya itong masaya at playful. Well, sya naman kasi yung tipo ng tao na nakakaintimidate pag una mong makita but approachable at the same time dahil sa warm aura nito, friendly. Nakita narin niya itong maging sweet and caring pero ito yata ang unang beses na nakita niya itong ganito. Ano nga ba ang tamang term? Pa-cute kasi ito na sweet. Clingy? Pwede.... Kasi naman simula ng magkaaminan sila ay halos hindi na siya nito bitawan. Kung dati ay ang kamay lang niya ang hindi nito mabitawan, now it's as if he cannot keep himself from touching her.

Naramdaman niya ang pagiinit ng kanyang mukha at tenga ng mapansin ang huling pumasok sa isip niya "he cannot keep himself from touching her", parang iba yata ang dating nun. Pero ang ibig lang naman niyang sabihin ay mas naging malambing ito sa kanya. He talks to her sweetly, starring at her and touching her cheeks, her hair or her hands softly.

Napatingin siya kay Luke na hanggang ngayon ay hindi alam na nasa may likuran lang siya nito.

Huminga siya ng malalim at napahawak sa pisngi. Tsaka naglakas ng loob na tawagin ito.

"Good morning My Prince!" Bati niya dito na may kasamang panunudyo.

Gulat na napalingon si Luke sa kanya.

"My Angel!" Gulat na bati nito at mabilis na pumaikot ang braso nito sa bewang niya sabay lapat ng mabilis ng labi nito sa labi niya na ikinapula ng mukha niya.

"I miss you.... I said you had somwmewhere to go with Camill?"

"A---e--- gusto kasi kita i-surprise My Prince...." Nahihiyang turan niya kasunod nang magkabato ni Luke.

Napangiti siya sa gulat nitong reaksyon. Hindi niya naisip na ganito ang epekto niya sa binata. Parang gustong kumawala ang kakulitan niya sa katawan. Yung kakulitan niya na ang pamilya at mga kaibigan nya lang ang nakakaalam.

"Hmmm... Anong nangyari sayo My Prince? Okay ka lang ba?" Patay malisya niyang tudyo dito habang sinusupil ang mga ngiti.

Tila natauhan naman si Luke sa tanong niya at napakurap kurap tsaka humarap sa kanya na kunot ang nuo pero pansin niya ang nag babadyang ngisi sa sulok ng labi nito.

" My Prince??" Tanong nito at sinagot naman niya ng pagtango habang nangingiti.

Kumawala ang malaking ngiti sa mukha ni Luke nang makita ang pagtango niya.

"Woooh!" Malakas na pakawala ng hininga nito tsaka bumalik ang malaking ngiti nito.

Malambing itong tumitig at matamis na ngumiti sa kanya, ngiting naglalambing. "Can you say it again My Angel", turan nito.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now