Chapter 46

61 1 0
                                    

Parang tumigil ang paghinga niya habang tulalang nakasunod ang mata sa papalayong si Isabel.

"My Love....." mahinang tawag ni Samantha sa kanya. Bakas duon ang pag aalinlangan at takot.

Tiningnan niya ito ng masama.

"What have you done!!!"  Napapiksi ito sa gulat. Ni minsan ay hindi nya nasigawan si Samantha. Ngayon lang. Hindi niya napigilan dahil sa ginawa nito. Nakausap na nya ito. She knows he loves Isabel so much.

"I'm sorry...., I didn't notice her...."

"You didn't notice her? You should've not kiss me in the first place. Matagal na tayong wala!"

"But I still love you! I know you still love me! I can feel it..."

Napabuntong hininga si Luke.

"I don't love you thesame way you do. You know it. You know I tried, but we failed. I only love you the way I love Sweet Kath..." nanghihina niyang sabi dito. Kinakain sya ng takot.

"I don't want to hurt you but you need to Wakeup. I only love Isabel.... Only her...  I never felt this before, dread of loosing her...,because of you! Just please----please accept that and leave me alone...." Sabay talikod para habulin si Isabel.

Oo, takot na takot sya. She almost give up kanina. Pero nakumbinsi nya ito e. Okay na sana ulit sila ni Isabel. Pero this happened!

Pagkalabas niya ng building ay agad tinakbo na niya ang sakayan ng bus. Baka sakaling maabutan niya si Isabel.

He was almost there, but all he get is the glimpse of her silhouette getting on the bus.

"Fuck!!!! I should have bring my car." Sigaw niya sa sarili at mas binilisan ang pagtakbo. Baka sakaling maabutan nya pa ang bus at makasakay din.

Pero nahuli siya.

"Fuck!!!!" He shouted frustratedly.

He fished his phone in his pocket ang tried calling her. Hindi siya susuko ng ganun ganun lang.

He tried calling her over and over again but she wouldn't answer. 

Isabel just keeps on staring at her phone, ringing. Habang patuloy ang pag iyak.

Napalingon siya sa paligid. Ramdam kasi niya na napapatingin na sa kanya ang ibang pasahero. At di nga siya nagkamali. Pinagtitinginan na siya.

Nakaramdam siya ng pagkahiya. Parang naulit lang. 

Isiniksik niya ang sarili sa gilid ng bus at mas iniladlad ang mahabang buhok. Thinking that it will shield her from stares.

"Umiiyak ka naman iha...."  Napatingala siya ng marinig iyon. Bumungad sa kanya ang kundoktor na syang nanlibre sa kanya ng pamasahe nung umiiyak din sya sa bus.

She smiled at him. More like tried to. Dahil hindi niya napigilan ang pag tagas ng luha sa kanyang mga mata.

"Pagod na pagod lang po."

Napatikhim ito at staka umupo ito sa tabi niya. Like he knew what's behind those words.

"Pwede kang huminto kung gugustuhin mo iha. Pero magiging masaya kaba kung hihinto ka?"

Umiling iling siya. Isipin palang na wala sa buhay niya si Luke ay nasasaktan na sya ng husto.

"Hindi ko na po alam....."

"Iha..., Uso ang pahinga..." Biro nito na kahit papaano'y nakapag pangiti sa kanya.

"Kung pagod kana, pwede ka naman huminto..., at magpahinga. Basta piliin mong lumaban ulit pag may lakas kana. Wag mong susukuan ang kaligayahan mo lalo na kung lumalaban pa sya para sa inyong dalawa."

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now