Chapter 20

76 0 0
                                    

Kanina pa nakahiga sa kama si Luke. He is holding his cellphone. Kanina pa siya nag iisip ng pwede itext kay Isabel pero hindi siya makapag decide kung ano ang dapat sabihin.

He would type few words and then erase it again. He would again try to write texts and eventually erase it again. Until Luke opted to just send Isabel a goodnight message.

From: Luke

Goodnight My Angel!
Sweet dreams😘

Kakatapos lang magdasal ni Isabel at handa na sanang matulog ng matanggap niya ang message na iyan mula kay Luke. It is a simple message pero nagawa nitong pangitiin siya kaya hindi napigilan ang sariling magreply.

From: My Angel

My Angel? Bakit kung ano ano yatang naiisipan mong itawag sakin?

Napabangon si Luke at napa upo sa kanyang kama ng mabasa iyon. Tsaka napangiti dahil nagreply ang dalaga na minsan lang nitong gawin at madalas ay susungitan lang siya. Binasa niyang muli ang text. And her text, hindi siya mukhang nagsusungit- more like her being curious.
He read it again.....,  and stare at his phone contemplating if he should call her. Hanggang sa maisip nya na why not? She asked something and he wanted to hear her voice. He then dialled Isabel's number nervously.

Isabel answered Luke's call on the first ring. Hindi agad nakapagsalita si Luke hanggang sa marinig niya ang malambing na boses ni Isabel.

"Hello?"

"Am... Hi My Angel!"

-silence....

"Hi! May sasabihin ka?" Di siguradong sagot ni Isabel.

"Am... I didn't wake you up with my text and call right?" Nahihiyang sagot ni Luke. Napapakamot pa ito sa batok. Bakit parang ang awkward niya?

"No. I was just about to sleep when I received your text."

"Oh. Okay...."

Napakunot nuo si Isabel. Tsaka napangiti. Bakit kung kelan pumayag na siya sa panliligaw ni Luke ay tsaka pa ito parang na-torpe.

"Okay? Wala ka bang ibang sasabihin? Bakit ka napatawag?"

"Ah.. Yes... kasi......"

Natawa ng mahina si Isabel, she then bite her lips to stop herself from laughing.

" Kasi? What happened to you? Kung kelan pumayag nako sa panliligaw tsaka ka naman parang walang masabi. Did you change your mind?" Asar niya dito na kunwari ay naiinis siya.

"NO! " Agad na sagot nito.

"I don't know why I'm like this right now. " Dugtong nito.

"Hay... para akong teenager na kinikilig at natameme dahil nginitian ni crush" Pabulong na dugtong ni Luke.

Bulong iyon pero narinig parin ni Isabel. Mukhang nakalimutang takpan ni Luke ang mouthpiece ng cellphone bago magbubulong.

Namumula ang mukha ni Isabel ng marinig iyon. Hindi niya alam na ganoon pala ang epekto niya kay Luke. Gustuhin man niyang asarin si Luke ay hindi niya magawa dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Kinakabahan siya.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now