Chapter 33

79 2 0
                                    

Leila Flora Farm, kilalang kilala ito dahil sa napakagandang  greeneries at iba't iblang klase ng bulaklak na makikita dito. Bukod duon ay may napakagandang love story daw ang Flower farm na ito. Isa itong private property na dati naring binuksan sa publiko sa abo't kayang entrance fee pero dahil may ilang turista na walang disiplina na nagkakalat ay ipinagbawal ang pagpasok dito ng mga turista. Ang masakit dun ay hindi pa niya napapasyalan ng ipagbawal ang turista dito. Kaya naman sobra sobrang saya ang nadarama niya at ito nga't napayakap pa kay Luke.

Napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata ni Luke na halata ang pagkagulat.

Nang matauhan ay biglang lumamlam ang mga mata nito at siyang yumakap sa kanya ng mahigpit. Dun nya napansin na pareho ang lagay ng kanilang mga puso, mabilis, malakas. Para bang nag uusap at nag kakaunawaan.

"I Love you My Angel. I'm happy nagustuhan mo ang surprise ko." Ika nito tsaka humiwalay ng yakap pero hinawakan naman ang mga pisngi niya. "And I aim to make you happy today, and always." Malambing na dugtong nito habang nakatitig sa mga mata niya, like a promise, a vow.

She's speechless. Ano ba ang dapat isagot o sabihin sa mga sinabi ni Luke? "He aim to always make me happy... And he's slowly succeeding of making me fall completely". Pero hindi nya pa kayang sabihin yan kay Luke, kaya binigyan nya lang ito ng matamis na ngiti para maiparating dito na she appreciate his efforts and she's happy now, because of him.

"Let's go My Angel." Turan nito tsaka bumaba ng jeep at dumiretso sa may side niya para pagbukasan siya ng pinto at alalayan sa pagbaba.

"Matagal ko nang gusyong pumunta dito. Kaya lang sarado na ito sa public. But how? Pano tayo nakapasok?" Takang tanong niya.

"I know the owner. I called him last night."

"Ganun kadali?"

"Yes. I know you love flowers."

"Thank you talaga Luke."

"Anything for you My Angel. If I can buy this flower farm for you then I would. Kaya lang its not for sale and it has sentimental value. "

Napatawa si Isabel sa sinabi ni Luke.

"Ang OA naman kung bibilhan mo ako nito.  Okay nako sa binibigay mong flowers at sa pagdala mo sakin dito." Turan niya.

"Tara?" Excited na aya niya kay Luke.

"Let's go." Nakangiting sagot nito at agad hinawakan ang kamay niya.

"That's the mansion of Leilani Flora." Turan ni Luke habang tinuturo sa kanya ang napakagara at napakalaking mansion. Para itong palasyo.

"Do you know the story behind Leilani Flora Farm?"

"Hindi e. Ang alam ko lang mala Cinderella daw ang lovestory behind Leilani Flora Farm. Sabi nila nung open for public pa dito, iyong love story daw nila yung unang ikinikwento sa kanila bago magsimula ang tour dito sa farm. Kaya nga kahit may kakilala ako na nakapunta na rito ayokong ikwento nila sakin. I want to hear it here, kapag nakapasyal na ako dito."

"Let me tell you then." Sabi ng isang tinig.

Sabay silang napatingin ni Luke sa pinto ng mansion. Duon niya nakita ang isang binata na mukhang napakaseryosong tao. Kahit na may sumisilay naman na ngiti sa labi nito ay nakaka intimidate parin ito. Magka ibang magkaiba sila ni Luke. Si Luke kasi got those curly hair na medyo may kahabaan at balbas sarado but still have warm aura habang ang lalaking nasa harap nila ay neat and clean ang mukha pero kapansin pansin ang strong and intimidating aura nito. Parang hindi pwede biruin. Siya yung tinatawag na tall, dark ang handsome, dark hair, dark eyes, makapal na pilik mata,  matangos na ilong  and well define jawline and cheek bone.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now