Chapter 50

73 1 0
                                    

Napapangiti siya mag isa habang nasa bus papunta sa opisina. Naalala nya kasi kung pano siya asarin ni Camilla at kung panong sobrang namula ang mukha niya. Hindi siya tinantanan nito hanggang sa nasabi nalang niya na "muntik lang naman may mangyari". Lalo pa syang namula nang magtitili ito.

"Panong muntik na? Nag make-out make-out kayo ganun??? Kwento na Dali! Ay! Wait! Teka lang,WAG mo na ikwento! My gosh! My Ever So Innocent EARS!"

Lalo lang namula ang mukha niya kanina dahil para bang super SPG ng nangyari sa kanila. Pero buti narin dahil hindi niya rin ata kayang ikwento ang nangyari dito.

Di ba hindi naman ganun kalala ang make-out nila? They kiss and touch but not to the point that they are groping and tasting every part of their body. Yes, he removed his shirt, but she never got to touch, to feel his masculine physics.

"Ano ba naman itong iniisip ko!" napahawak siya sa mukha na ngayon ay siguradong namumula na. Mabuti nalang at hindi sila sabay ni Luke at baka asarin lang sya nito.

Ang totoo ay sabay naman dapat talaga sila papasok sa trabaho ni Luke. But they woke up late and he's badly needed in the office, meron kasi itong kailangang pirmahan and it's really important. Habang siya ay nakapag paalam na sa superior nya na malalate ngayon.

Her colleagues are very busy when she came. Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil heto siya at late na late na. Kaya naman binati lang niya ang mga ito tsaka nagpaka busy narin sa trabaho.

Mabilis lumipas ang mga oras. Dahil kasi sa biglaang pag uwi niya kahapon kaya heto at tambak ang kanyang trabaho. Hanggang sa may basket of assorted flowers ang humarang sa kanyang monitor. Napakaganda nito at amoy na amoy niya ang bango.

"For My beautiful Angel...." malambing na boses ni Luke na naging dahilan ng pagguhit ng kanyang ngiti. She look up to him lovingly.

"Thank you..."

Agad siyang hinalikan sa labi ni Luke.

"Anything for My Angel..." tsaka kintal ng halik sa kanyang nuo.

"Lunch?"

Nangunot ang nuo niya tsaka napatingin sa sariling wristwatch. Lunch time na nga at hindi man lang namalayan. Agad siyang napalinga sa mga kasama. Mga nakatayo na ang mga ito at nakatingin sa kanila. Na ikinakunot ng nuo niya. Tsaka ibinaling ang tingin kay Mary sa katabing table niya. nakatayo na rin ito at lantaran ang nanunudyong mga titig nito. That's when she realized what happened. They just witnessed their boss being sweet to her! And the Kiss! Agad namula ang mukha niya at napayuko para magtago sa monitor sa harap niya.

Dinig niya ang mahinang tawa ni Luke at ang nangaasar at kinikilig na bulungan ng mga katrabaho.

"Get used to it My Angel. I won't hide how much I'm smitten with you...."

Kasunod nun ang tilian ng mga katrabahong niyang mga babae.

"C'mon My Angel..., maybe you wanna get ready so we can go? or you want them to see us???"

"See us?What?"

Kita niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya, malagkit at uhaw, she can see her adams apple bobbing. Heat crept to her face.

"Luke!!!" Namumulang sigaw niya.

Napakagat labi si Luke sa pagpigil ng tawa. Habang siya ay napalingon sa paligid.

"Don't worry My Angel..., I sent them away...." This time ay hindi na nito napigilan ang mahinang pagtawa.

Sinimangutan niya ito at hindi pinansin. Inaasar na naman siya nito. Like always, natutuwa ito everytime na naiilang siya o nahihiya sa mga gestures nito.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now