Chapter 41

57 1 0
                                    

"Ewan ko sayo. Nang aasar kana naman e..." Namumula ang mukha na turan ni Isabel.

"Kelan pa ba ako nagbiro tungkol sa pagmamahal ko sayo?" Biglang seryosong tanong ni Luke.

" I admit, I like to say things that makes you blush but I'm also serious everytime I say how inlove I am with you."

Seryosong seryoso ang mukha nito na may konting kunot sa nuo.

"Oo na. Mahal din naman kita. Sige na sasama na ko sa inyo para makapanuod tayo ng netflix....." Turan niya nang hindi nagbabago ang expression nito sa mukha.

Agad naman sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi nito.

"Basta nuod lang ng Netflix ah...." Paglilinaw niya.

"Tsk... Right My Angel. Netflix lang.

Pagkatapos ng kanilang dinner date ay dumiretso sila sa condo ni Luke.

Ilang beses na siyang nakapunta sa condo ni Luke. Pero dahil sa "netflix and chill" na yan ay hindi niya maiwasang kabahan kahit pa sinabi naman na sa kanya ni Luke na manunuod lang sila.

Alam naman niyang hindi siya pipilitin ni Luke. Kaya hindi yun ang rason ng kaba niya.

Kinakabahan sya kasi pano kung sa panunuod nila ng movie ay mangyari yung mga napapanuod niya sa mga romantic movies??? Yung biglang magkikiss and then eventually lead to something more and intimate.... Na hindi niya alam kung kaya niyang gawin. Lalaki si Luke at alam niyang may pangangailangan ito. Pero pano kung hindi niya mapunan yun. Will he cheat? Will he leave?

"Nandito na tayo." basag ni Luke sa katahimikan niya. Dun lang niya napansin na sa buong byahe ay walang nagsasalita sa kanila.

Inabot ni Luke ang kamay niya at tsaka hinaplos ito bago patakan ng halik sa likod ng kanyang palad.

"Relax My Angel. I admit, I want to do it with you, only when you're ready. But It's not the reason why I asked you for a netflix and chill. I know you're not ready and I understand that. Don't stress yourself. Manonood lang tayo ng movies. Namiss lang talaga kita." Turan ni Luke. Hindi pala nakaligtas dito ang kaba niya.

Dahil sa narinig ay kahit papaano'y nakahinga siya ng malalim. Tsaka siya ngumiti ng tipid kay Luke.

Bakit nga ba siya kinakabahan??? Iba si Luke.

"Choose My Angel" Turan ni Luke habang iniaabot sa kanya ang remote ng tv.

"Anything... except horror movies..." Makahulugang sabi pa nito na parang nangingiti pa.

" It's dangerous. You're dangerous....,baka di ako makapag pigil. " Dugtong pa nito na nagpapula ng husto sa mukha niya lalo na nang maalala kung paanong napadiin ang bisig nito sa dibdib niya.

Sa sobrang hiya ay napasimgangot siya.

"Hindi ko naman sinasadya yun e." Turan niya. Kasunod ng mahinang pagtawa ni Luke.

Bigla tuloy siyang nainis dito.

"Ewan ko sayo! Ako pa talagang dangerous?! E ikaw tong sinadyang horror movies ang panuorin para maka tyansing!"

Lumakas ang tawa ni Luke pagkasabi niya nun.

"Ah.... you're so cute My Angel..."

Mahinang pinisil pa nito ang kanang pisngi niya na malakas nyang tinabig sa sobrang inis. Siguradong siyang pulang pula na ang mukha niya dahil sa pinaghalong hiya at inis.

Pinilit nitong pahupain ang pagtawa. Tsaka nito masuyong hinawakan ang kamay niya. Tinangka niyang bawiin ang kamay nito pero hinigpitan nito ang pagkawak sa kamay niya tsaka siya hinila palapit sa katawan nito at automatikong ipinaikot ang kabilang braso sa bewang niya.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now