Chapter 26

71 0 0
                                    

Matamlay si Isabel habang nakatingin sa repleksyon niya sa malaking salamin sa restroom. Nakasanayan na niya ang dumaan dito at mag ayos bago bumaba ng building. Syempre para narin magpalipas ng kaunting oras para pag baba niya ay iilan o wala ng empliyado sa harap ng building- wala ng makakakita sa kanila ni Luke. Pero ano pa nga ba ang silbi nito ngayon? Sigurado naman siya na walang nag hihintay na Luke.

Biglang bumuhos ang kanyang mga luha. 'Wala ng Luke na sasalubong sa kanya mamaya. Ayan kasi nasanay ka na naman Isabel'

Sinubukan niyang pigilan ang pag iyak. Pero dahil dun ay napapahikbi lang siya. Kaya hinayaan nalang niya ang sarili na ilabas ang sakit, tutal e siya lang naman ang nandun. Nang tumigil na siya sa pag iyak ay nag hilamos siya ng mukha at hinintay na mabawasan ang pamumula ng mata bago nag pasyang bumaba.

Paglabas palang niya ng building ay nakita niya agad si Luke. And she admit- she felt joy deep inside. But she hide those feelings and walk past Luke. Naiinis kasi siya dito dahil ni hindi man lang sya bigyan ng pagkakataon na linawin ang narinig kanina.

" My Angel..." Tawag pansin sa kanya ni Luke na nakaharang na ngayon sa harap niya.

"Di mo ba ako nakita?"

"I did. " poker face na sagot niya.

"Why?"

"What do you mean why?" masungit na sagot niya.

"Is it about earlier when I didn't want to be disturbed sa office? Look------ My Angel I'm sorry kung hindi kita kinausap kanina. I'm just busy. "

"Busy? Or ayaw mo lang talaga akong makausap dahil sa narinig mong sinabi ko kay Gab kanina?"

"You knew?"

"Obviously..... And you decided to walkout, iwasan ako, at di ako bigyan ng chance magpaliwanag" Inis na sabi niya kay Luke.

"I'm sorry My Angel kung iniwasan kita kanina. I'm just hurt hearing you say that. It's like you confirm my hunch before that Gab is your type- na sya yung mas pipiliin mo kung di lang sya huminto sa pag porma sayo. Nagpapalipas lang ako ng selos."

Napa irap siya kay Luke."E kung di ka nag walkout agad e di sana imbis na selos e siguradong masayang masaya ka ngayon.... "

"So suko kana?"Tanong niya.

Tila nagulat naman si Luke sa tanong niya. Agad nitong hinagilap ang dalawang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit sa paraan na di siya masasaktan.

"Of course not! Kahit pa si Gab ang ideal man mo and even if you still have even little feelings towards Fabio.... I won't stop making you fall for me. If you fall, I'll make sure sakin lang." Ika nito with conviction.

Di niya mapigilan matawa sa naging reaksyon nito. Napakaseryoso, gigil at ditermindo.

"Galit ka ba?" Asar niya dito.

"No!No...Not My Angel." Lambing nito na may kasama na paghaplos sa pisngi niya. Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Ramdam rin niya ang unti unting pag iinit nun. Sana lang ay hindi ito maramdaman ni Luke.

"I love it everytime I see this blush on your face because of me. " Mahina nitong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya. Dahil dun ay lalong naginit ang kanyang mga pisngi kaya agad niyang iniiwas ang mukha niya dito.

" May bus na!" She blurted when she saw the bus nearing the bus stop para lang makaiwas sa sitwasyon. Parang nagulat naman si Luke kasi medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon makalayo kay Luke at nag madaling tinungo ang bus stop. Pero di pa man siya nakakalayo ay naramdaman niya ang pag hila ni Luke sa kamay niya.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now