Chapter 38

66 2 0
                                    

Maaga siyang sinundo ni Luke kanina. Today is Saturday, walang pasok kaya they will spend this whole weekend daw as a couple, first weekend as a couple. And that thought makes her excited and nervous at thesame time.

Naalala nya tuloy ang nangyari sa elevator kahapon, the kiss. Maghapon na laging sumasagi iyon sa isipan niya kaya tuloy lagi siyang inaasar ni Mary. Pano ba naman ay namumula raw ang mukha niya na parang may naiisip na nakakakilig or baka naman daw something naughty. Kaya naman lalo pang nag init ang mukha niya. Kasunod pa nuon ang hindi niya mapigilang pag alala ng ilang beses pa silang nag kiss at ilang beses sobrang nagkalapit ang kanilang mga katawan.

Kung kahapon ay sobrang awkward habang hinahatid siya ni Luke pauwi dahil sa "intense kiss", sana today ay magawa niyang maging kalmado habang kasama ito.

Magkahawak kamay silang nag lalakad ni Luke. Kanina ay nasa bewang niya ang bisig nito pero inalis niya iyon at hinawakan nalang ang kamay nito. Naiilang padin kasi siya lalo na at napapansin niya ang pag sulyap sa kanila ng mga nakaka salubong. Titingin kay Luke na may paghanga, tapos sa bisig nitong nasa bewang niya at mapapasimangot pagkakita sa kanya. Di nya tuloy mapigilang ma-insecure.

But this is their first date as a couple kaya pinili niyang balewalain nalang ang mga iyon at magpakabusy sa pagtingin tingin sa paligid lalo na pag mapadaan sila sa botique mga damit pati narin ng bags and shoes.

She admire those from outside, just looking through the glass wall habang magkahawak sila ng kamay ni Luke. Hanggang sa bigla nalang siyang hilahin papasok ni Luke sa botique ng isang sikat na brand ng sapatos na ikinagulat niya. Pero lalong nanlaki ang mata niya ng lumapit si Luke sa isang cute na cute na doll shoes at dinampot ito, tumawag ng sales lady para magpakuha ng new stocks nito sa size ng paa niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya kay Luke.

"We'll buy you shoes...." Simpleng sagot nito.

"Pero siguradong mahal yun. Nag iipon ako para makatulong naman kahit paano sa pag aaral ni Luis."

"And I'm proud of you because of that. But, who says you'll pay? I'll buy that for you My Angel. Take it as my gift."

"Gift? E di ko naman birthday at wala rin naman okasyon. "

"Kailangan ba may okasyon para regaluhan ang girlfriend..., My Angel?" Malambing na tanong nito.

"Hindi naman sa ganun. Pero kasi nakakahiya sayo Luke..., ang mahal mahal nyan e."

"What are you talking about My Angel? Mahal? Ofcourse not. If I can buy Leila Flora, then I will, whole heartedly. Kaya lang it's not for sale and I don't have the heart to insist because its not just a flower farm to my friend. It means so much to him and his family. Yun My Angel will cost a lot but will not even put a dent on my bank accounts.

"Tsk... Hangin.....!" kunwaring inis na komento niya kay Luke.

" What My Angel??! I'm just telling the truth. You deserve to be spoil. I will give everything I can for you. Basta ba papapikot ka sakin." Natatawang turan nito na ikinainit ng mukha niya.

"Puro ka kalokohan...." kunwaring inis na turan niya. Kasunod nun ay ang mahinang tawa ni Luke. Hinawakan nito ang kamay niya sabay yakap sa kanya mula sa Likod nang hindi binibitawan ang mga kamay niya, masuyo at malambing.

"I'm serious My Angel. Please My Angel, let me do this. Let me spoil you.."

Pero hindi sya umimik at hindi rin tiningnan si Luke. Hiyang hiya na kasi sya sa sobrang lambing nito. Isa pa pinagtitinginan narin sila.

Pero hindi siya tinantanan ni Luke hanggat hindi siya sumasagot o tumitingin dito. .

"My Angel...." Malambing na tawag nito. Pero hindi parin niya ito tinitingnan.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now