Chapter 17

72 0 0
                                    

Nandito sila ngayon garden. Dito kasi naghanda si Luke ng breakfast nila. Sya daw ang nagluto nun para sa kanya.

Tahimik lang siya habang nag aalmusal. Hinahanda kasi nya ang sarili na ikwento ng buo kay Luke ang tungkol sa naging relasyon nila ni Fabio. Si Luke naman ay hinayaan lang siya. Hinihintay siguro kung kelan siya handa magsimula.

Pagkatapos mag breakfast ay umupo na siya sa duyan. Eto namang si Luke ay sumunod agad at umupo sa tabi niya. Kita ang pangamba sa mukha nito at tila nag hihintay kung kelan siya maging handa na mag kwento.

Maya maya ay nag simula syang mag kwento at doble ang kaba niya na sinabayan ng sakit. Oo, ramdam padin niya ang sakit.

"It started after my debut.......

Napagod siya sa 18th birthday party niya. Pero masaya siya sa surpresang pag uwi ni Fabio. Yun nga lang hindi sila masyadong nakapag kwentuhan dahil kailangan nya rin naman i-entertain ang ibang bisita.

Kinabukasan alas nueve na ng umaga pero inaatok pa siya. Mataas na ang araw pero gusto parin niyang ipagpatuloy ang tulog.

Tuluyan siyang nagising nang may kung anong kumikiliti sa ilong niya. Malambot at mabango ito, isang bulaklak. Napangiti siya ng mahulaan kung ano iyon. Siguro nananaginip pa sya. Pero nang muling maramdaman iyon ay napadilat siya ng mata....

"Fabio!" Masayang tawag niya ng makita ito.

"Ikaw lang pala ang makakagising dyan kay Isabel. Kanina pa namin yan sinusubukang gisingin para makapag almusal, pero balewala." Asar ng Nanay niya. Ayun nakatayo sa may pinto kasama ang tatay niya at pinapanuod sila ni Fabio.

"Nay... napuyat po ako kagabi. Kaya napasarap ng tulog." Katwiran niya.

Bumaling naman siya sa rosas na hawak ni Fabio.

"Sakin to?" Nakangiti niyang tanong kay Fabio.

"Syempre naman. Ako pa ang pumitas nyan para sayo Issang. "

Nakangiti niyang kinuha ang rose sa kamay nito. Mahilig talaga siya sa bulaklak. Masarap kasing amuyin.

"Bakit ka nandito?"

"Ano bang tanong yan Issang. Syempre kasi na-miss kita. And I also brought my pasalubong para sayo at kena tita."

"Noong araw na yun wala kaming ginawa kung hindi mag kwentuhan, to cathed up. Binuksan ko din ang mga regalo na dala niya pati yung mga regalo na naipon —birthday and Christmas gift for me. Simula nun, parang bumalik kami noong mga bata pa kami. Lagi sya sa bahay, nakiki-join sa movie marathon namin ni Camilla. Nakiki jamming samin sa kantahan. At sya ang dakila naming alalay kapag may pupuntahan kami.
Ayaw nya rin na nagbubuhat ako ng mabigat. At hatid sundo nya rin ako sa bahay at eskwelahan. "

"May mga nakapansin na parang higit sa magkaibigan ang turing ni Fabio sakin tulad ni Camilla. Pero ang sabi ko lang ganon naman talaga sya sakin even before. Kahit na I had developed a crush on him na.
Naniwala lang ako nung umamin si Fabio sakin—nung nag selos sya. Simula nun, nanligaw na siya. "

"Good morning tita tito. Ipag papaalam ko po sana si Issang. Gusto ko po siyang ligawan. Pwede po kaming lumabas today?" Dinig niyang tanong ni Fabio sa mga magulang pagkalabas niya ng kanyang silid.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now