Chapter 36

62 1 0
                                    

Dumiretso siya sa table nila ni Luke pero wala ito dun. Iniikot nya rin ang paningin sa loob ng restaurant, pero wala ang taong mahal niya. Lalo siyang naluha.

Palabas na sana siya ng restaurant ng may makasalubong siya. Nakakunot ang nuo nito pero hindi parin nabawasan ang kagwapuhan.

Pinakatitigan niya ito, mas naging maskulado ito at mas gumwapo, pero natatandaan niya ito....., she met him that night.

"Don't waste your tears for someone who don't know your worth. And don't make thesame mistake again. Falling isn't bad, but fall for someone who will Catch you when you do."

" I will remember that. Thanks for listening."

She grew up with Fabio always by her sides. Hindi niya akalin na kaya siyang lokohin ng lalaking pinagkatiwalaan niya simula pagkabata- ang lalaking minamahal niya.

Tama ang lalaking nakinig at sinamahan siya sa pagiyak at pag lalabas ng sama ng loob niya. Hindi niya dapat iniiyakan ang lalaking tulad ni Fabio-cheater. Pero masakit e. Parang may pumipiga sa puso niya.
Hindi na niya pa nilingon ang lalaki.

Wala parin tigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha at kanyang paghikbi habang mabilis siyang naglalakad papunta sa lobby ng hotel kung nasaan ang entrance at exit. Pinagtitinginan na siya ng mga staff at ibang guest dahil sa ayos niya. Medyo magulo na ang buhok niya dahil sa pag hagod hagod niya dito habang nag ki-kwento at inilalabas ang sakit na raramdaman niya sa binata na nakausap sa garden, mugto ang matang patuloy sa pag iyak, pulang pula narin ang mukha niya at marumi narin ang suot niyang simple white long dress dahil sa pag upo kanina sa damuhan sa garden. Pero hindi na niya pinansin pa iyon. Hawak ang magkabilang gilid ng kanyang dress na iniangat ng bahagya para mas makapag lakad ng maayos at mabilis. Ang mahalaga ay makauwi na siya agad. Gusto niyang pagkulong sa kwarto at dun magmukmok.

"Miss are you okay?"

Napatigil siya sa paglalakad ng bigla siyang kamustahin ng isang lalaki. At napatitig dito. Matangkad ito at napaka pogi sa suot nitong amerikana. Seryoso ang mukha nito pero makikita ang concern dito.

"Here" Putol nito sa pag titig niya. Yumuko siya at tiningnan ang inaabot nito-isang panyo.

"Salamat po Sir. " Tsaka kinuha ang panyo nito kasabay ng muling pagbabaksakan ng mga luha niya.

"Call me Xander please. What's your name?"
Dinig niyang sabi ni Xander habang pinapahod niya ang kanyang luha na wala namang tigil sa pagdaloy sa kanyang pisngi.

"Isabel po. Thank you ulit Xander."

"Don't mention it. Halika, lets go to the restaurant where we can sit and ask for a glass of water so you'll feel a little better. " Aya nito.

Tumango siya ay nagpatianod sa kung saan siya dadalhin ng binata. Dinala siya nito sa isang restaurant na pinakamalapit sa lobby ng hotel. Tsaka sila inassist ng isang staff sa isang table kung saan medyo malayo sa ibang guest.

"Water" Sabi ni Xander sa staff -Marcos, FNB Manager ang nakalagay sa name plate nito. Tumango lamang ito tsaka sila iniwan.

Pagkaalis ng Manager ay dumating naman ang server tsaka sila inabutan ng menu.

"Order something. Maybe sweets to lift up your mood. My treat." Baling sa kanya ni Xander.

"Thank you. Pero okay lang ako. Gusto ko na lang po umuwi."

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now