Chapter 54

83 1 0
                                    

Nagising si Isabel na naka ngiti. Napanaginipan nya kasing nakayakap daw sila sa isa't  isa habang natutulog.

Thinking about Luke, lumingon siya sa kanyang gilid pero wala na duon si Luke. Malamig narin ang hinigaan nito. Halatang kanina pa ito bumangon.

Bigla tuloy nawala ang ngiti niya. Akala niya gigising siya na si Luke unang makikita.

Iniisip nya pa naman na baka hindi pala panaginip yung kagabi, baka totoo ito. Pero mukhang panaginip lang talaga.

Napabuntong hininga na lamang siyang bumangon, to do her morning routine.  Pagkatapos ay nagmamadali syang bumaba.

She wants to talk and see Luke.

Nang makasalubong niya si Manang ay agad niya itong tinanong " Si Luke po?".

"Naku Iha. Madilim pa ay umalis na."

"Ganun po ba?"Matamlay nyang tugon.

"Saan mo gustong mag agahan Iha? Ipaghahain kita."

"A... Salamat po pero di po ako gutom. Maglalakad lakad nalang muna po ako." malungkot nyang sagot .

Hindi na niya hinintay na sumagot si Manang at agad naglakad palabas ng bahay dahil konti nalang ay hindi na niya mapipigilan ang kanyang mga luha.

Ayaw nya ng ganito. Ang sakit pala na balewalain ni Luke.....

Habang naglalakad sa pino at puting puting buhangin ay patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hanggang sa parang wala na syang mailuha. Pero yung sakit? Ramdam parin niya sa dibdib nya. Para bang may nakabara sa puso nya.

Mabigat sa pakiramdam.

Naglakad lang siya ng naglakad, hoping for the wind to blew away the pain. Hanggang sa napagod narin sya at naupo sa lilim ng mga puno ng niyog.

Duon, nakatingin lang sya sa dagat, nag iisip. Kung ano ba ang dapat nyang gawin para bumalik ang dating Luke sa kanya.

Huli na kaya? Sumagi lamang ang tanong na iyan sa kanya ay naiiyak na naman sya.

Hindi nya kaya.

Sa lilim ng mga puno at wala syang ibang ginawa kundi ang tumulala sa kawalan at umiyak hanggang sa nakatulog na naman siya.

Naalimpungatan nalang siya ng pakiramdam niya ay lumutang na sya sa ere.

Bahagya niyang idinilat ang mata...

"Luke..." nakangiti at malambing na tura  niya. Tsaka muling pumikit at sumubsob ba sa dibdib ng binata.

Niyakap pa nya ito ng mahigpit.

Kahit sa panaginip lang, mayakap ulit niya ito ng mahigpit.....

Pero bigla sya napadilat ng "Mabuti naman Iho at nakita nyo agad si Señorita" dinig niyang sabi ni Manang kaya napadilat siya ng mata.

"Nakatulog po sa lilim ng mga puno. Baka napakod sa kakalakad. Malayo layo rin po ang naabot nya." Sagot ni Luke dito tsaka tumingin sa kanya.

Nang magtama ang kanilang mga mata at sobra sobrang kaba ang naramdaman niya. Natulala pa siya at natameme. Hanggang sa naramdaman niya ang pagbaba nito sa kanya sa kama.

"Ah-----ammm..... Dapat ginising mo nalang ako at hindi na binuhat. Pero, Salamat..."

"I'll  keep that in mind next time...." serosong sagot nito at tinalukaran na siya.

"Luke..." Napahinto si Luke sa pag bukas ng pinto.

Pero hindi nilingon si Isabel.

He's  waiting for what she has to say. Nagising siya na mahimbing paring natutulog si Isabel sa kanyang bisig at mahigpit ang yakap sa kanya kanina.

CATCH and FALLWhere stories live. Discover now