Chapter 2 The Deal with the Devil

4.9K 78 0
                                    

Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong idinidilat ang mga ito. Nang ganap na akong makamulat ay kinailangan kong pumikit muli dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng kuwartong kinaroroonan ko. At bigla akong napabailkwas nang makita ang hindi pamilyar na kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pagkatapos ay parang agos ng tubig na biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Ang alaala ng mga nangyari mula sa pagkarinig ko ng mga tinig hanggang sa masaksihan ko ang pagpatay sa isang babae. Nanumbalik din ang takot sa akin nang maalalang naabutan pala ako ng mga lalaking humahabol sa akin bago pa nagdilim ang lahat.

"I see you're awake," isang malalim na boses ang nagpalingon sa akin sa kanang bahagi ng kuwarto kung saan may isang set ng mga itim na sofa. Ngayon ko lang din napansin na napakaganda at napakaelegante ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Combination ng gray at milky white ang pintura at ang interior design ay talagang nakamamangha dahil halatang hindi basta-basta ito at sigurado akong mayaman ang nakatira rito.

"Are you done examining my room?" muli ay nagsalita ang lalaki. Napalunok ako nang maalalang ito iyong lalaking bumaril doon sa babae. Ano'ng mangyayari sa akin ngayon? Ako na ba ang susunod na mamamatay? Hindi puwede, kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Kaya kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kaniya ay gagawin ko para lang huwag niya akong patayin.

"S-sir, bakit po ako nandito?" kabadong tanong ko. Hindi ito agad sumagot at seryosong nakatitig lang sa akin. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko at nanubig na naman ang mga mata ko.

"Nakita mo ang lahat hindi ba? Pero bago tayo pumunta riyan, tumawag nga pala ang mommy mo. Ang sabi ko lang hindi ka makakauwi ngayon dahil may importanteng research project na kailangan mong tapusin," aniya na hindi man lang tuminag mula sa pagkakaupo. Malamang ay halang ang kaluluwa ng lalaking ito dahil parang wala lang sa kaniya na nakapatay siya ng tao. Ngunit sa pagkakabanggit niya sa mommy ko ay lalo akong kinabahan. Paano kung idamay niya ang pamilya ko dahil sa mga nakita ko?

"N-nakausap mo si mommy? S-sir, please huwag ni'yo pong idamay ang pamilya ko. A-ako na lang po ang pagbuntunan ninyo ng galit," naiiyak na pagsusumamo ko sa kaniya.

"Well, you have a point. Pero kung hindi ka sana pakialamera at nakikitingin sa mga bagay na wala ka namang kinalaman, eh, 'di sana ay wala ka ngayon sa harapan ko?" may halong galit at pagkadismaya ang mga pahayag niya kaya dumagundong na naman ang dibdib ko. Madilim ang awra ng mukha niya at base sa pagkakakunot ng noo niya ay halatang galit talaga siya.

"Sir, huwag po kayong mag-alala, wala po akong pagsasabihan ng mga nakita ko. Maniwala po kayo! Ililihim ko ang lahat hanggang sa kamatayan ko!" umiiyak na pagsamo ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla itong ngumisi na tila may iniisip na hindi maganda. Lalo pang dumoble ang takot ko dahil doon.

"At bakit naman ako maniniwala sa iyo? Muntik mo nang sirain ang lahat ng plano ko at ngayon, imbes na malinis ang lahat ay nagkaproblema pa ako dahil may isang witness na kailangan kong patahimikin," galit na sagot nito. Kinapos ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Patahimikin? Ibig bang sabihin noon ay patayin?

"S-sir please po... may sakit ang daddy ko ngayon at ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko para makatulong sa pamilya. Pangako pong ititikom ko ang bibig ko sa lahat ng nasaksihan ko. Pangako po iyan. Maniwala po kayo!" halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa kaniya. Nakita kong tila lumambot ang mukha niya ngunit hindi sapat iyon upang masiguro ko ang kaligtasan ko ngayon.

Ilang sandali itong tumitig sa akinat animo'y pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa uri ng pagtinging iyon. Iyon iyong uri ng tinging hindi mapagkakatiwalaan at walang gagawing mabuti.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now