Chapter 19 Change of Heart

2.5K 49 0
                                    


"At least you can still remember me. Sabagay hindi naman iyon ang mahalaga. So, where is Lance? Bakit iniwan ka niya ritong mag-isa? Oh, let me guess, he just brought you here to shoo away other women, right?" nang-uuyam na tanong niya sa akin. Bahagya kong sinulyapan ang kabuuan niya. Red Spaghetti strap dress and suot niya. Hapit na hapit sa katawan niya kaya lutang ang maganda niyang balakang at maliit na baywang. Sexy, hot at maganda naman itong Angeli pero bakit kaya parang malungkot ang buhay niya? Sa dinami-rami ba naman kasi nang makikita at makakausap ay ito pang babaeng ito ang natiyempuhan ko. Malas! Bumuntong hininga ako at matamis na ngumiti sa kaniya. Tumaas ang kilay nito. Nagulat siguro dahil kahit iniinsulto na niya ako ay wala akong balak na patulan siya.

"Una sa lahat tama ka, dinala ako ni Lance dito bilang isang pusang pambugaw sa mga daga. Ewan ko lang kung kabilang ka roon. At nagpaalam lang saglit si Lance dahil may kailangang kausaping tao tungkol sa negosyo. Ano masaya ka na ba? Okay na?" tinatamad na sagot ko. Umasim ang mukha nito at umikot na lang ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin para hindi siya makita.

"Ano'ng sabi mo? Daga? Tinawag mo ba akong daga? Sino kaya sa ating dalawa ang mukhang daga? Maaaring mamahalin ang lahat ng nakakakabit sa katawan mo ngayon pero mukha ka pa ring cheap. At hindi mababago ang katotohanang isa ka lang sa mga babaeng parausan ni Lance. Ilang panahon na lang itatapon ka rin niyang parang basura kapag nagsawa na siya sa iyo! Magagaya ka rin sa ibang mga babae niyang pagsasawaan at pagkatapos ay iiwang luhaan," may himig na galit ang bawat bitaw niya ng mga salita. Medyo masakit iyong iba dahil totoo naman. Sinikap kong gawing malamig at hindi apektado ang itsura ko sa mga pinakawalan niyang insulto. Pero hindi ibig sabihin no'n ay papayag na akong basta na lang niyang pagsalitaan ng kung ano-ano. Una sa lahat wala akong ginagawang masama. Pangalawa, wala akong dapat ipaliwanag sa kaniya.

"Sino ka ba Angeli? Saka inaano ba kita at galit na galit ka sa akin? Kung may gusto ka kay Lance, hanapin mo siya at gawin ninyo ang gusto ninyong gawin sa mga buhay ninyo. Huwag ako ang guluhin mo dahil wala naman akong pakialam sa iyo at sa mga pinagsasasabi mo!" tugon ko. Bahagya siyang nagulat sa isinagot ko. Hindi siya agad nakapagsalita at nagtaas-baba lang ang dibdib niya. Halatang tinamaan din siya sa sinabi ko. Galit na tumalikod ito at nagmartsa palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang maalala ang mga sinabi niya kanina. Ang sakit-sakit talagang marinig na isa ka lang parausan. Kahit pilit kong ipinagwawalang bahala ang mga sinabi niya. Hindi ko maitatangging mapanakit pa rin talaga iyon sa damdamin.

Nang magsimula na ang party ay hindi na muling umalis sa tabi ko si Lance. May ilang lumalapit sa lamesa namin para makipagkamay at makipag-usap sa kaniya. Bumabati rin ang ilan sa akin, pero kapag may mga business partners and acquaintances siyang mga lalaki ang gustong makikipagkamay sa akin ay hindi siya pumapayag.

"Hey, kuya! Congratulations for closing the deal with Charles Ty. I heard he will be financing half of your biggest project this year," pagbati ni Darwin kay Lance nang maupo ito sa lamesa namin. Malapad namang ngumiti sa kaniya si Lance.

"Yeah. Mahabang suyuan ang naganap bago ko napapayag si Charles. Masiyadong metikuloso pagdating sa negosyo. No wonder palago nang palago ang kayamanan niya," sabi naman ni Lance. Kilala ko iyong taong pinag-uusapan nila dahil iyang pamilya ng mga Ty ang may-ari ng pinakasikat na bangko at finance company sa bansa at sa buong Asya.

"Hi, Farah, how are you? You look really gorgeous tonight!" bati naman nito sa akin. Saglit na natigil ako sa pag-iisip dahil nabaling sa akin ang atensiyon niya.

"Salamat," nagulat pa ako nang biglang tumikhim nang mahina si Lance. Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya at ngayon nga ay bahagyang dumilim ang mukha niya.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon