Chapter 26 A Heartbreak

2.1K 39 0
                                    

"Hello, Leah nasaan ka na? Nandito na ako sa tapat ng Registrar's office. Akala ko ba nandito ka na?" buong pagtatakang tanong ko sa kaibigan nang sagutin niya ang tawag. Sabi niya kasi kanina pa siya nandito kaya nagmadali akong makarating dito sa school. Pero pagdating ko, maliban sa napakahabang pila, kahit anino niya ay hindi ko nakita.

"Ay sorry, Farah. Nakita ko kasi si sir Keiner kanina kaya iyon hinabol ko. Paalis na daw pala yata siya rito sa University, eh, 'di ba may incomplete pa ako sa kaniya?" sagot nito. Medyo maingay din sa background niya kaya halos pasigaw na siyang nagsasalita sa kabilang linya.

"Eh, kumusta? Nakausap mo ba siya? Ano'ng sabi?" tanong ko. Isa si sir Keiner Lohmeyer sa mga pinaka-istriktong professor namin last Sem at halos buong klase nahirapang pumasa sa subject niya. Nabalitaan pa nga namin na nakatuluyan niya iyong classmate naming si Miyaka. Naging classmate namin siya sa klase ni sir, pero iba ang kursong kinukuha niya. Hindi ko lang alam kung totoo iyon. Kasi bali-balita rin sa campus last Sem na parang dati na raw yata silang may affair.

"Hindi pa nga!" halata ang pagkayamot sa boses niya. "Paano marami na rin palang ibang estudyanteng naghihintay dito sa labas ng office niya. Ang hirap naman kasi niyang hagilapin noong sembreak, kaya hindi ko naayos iyong problema ko sa kaniya," pagpapatuloy na himutok nito. Nasapo ko ang noo ko dahil habang lumilipas ang mga minuto ay parami nang parami na ang mga nakapila dito sa registrar.

"Sige, mamayang hapon na lang tayo mag-enroll. Sasamahan na lang muna kita diyan, tutal siguradong aabutan din tayo ng lunch break sa haba ng pila rito ngayon," sumusukong pahayag ko. Muli kong sinulyapan ang mahabang pila at napabuntong-hininga na lamang ako at umalis sa pila ko. Mabilis namang umabante iyong mga nasa likod ko kanina.

"Naku, Farah, pasensiya ka na ha? Ayoko na kasing magkaroon ng back subject para makasabay na akong maka-graduate sa inyo," hinging paunmanhin nito. Hindi naman ako nagagalit sa kaniya dahil naiintindihan ko siya. Halos mapabayaan na rin kasi niya ang pag-aaral dahil nga sa pagtatrabaho.

"Wala iyon. Naiintindihan ko naman kung ano'ng pinagdadaanan mo. Saka, ay!–"

Nabitawan ko ang cellphone ko nang makabangga ang malaking bulto ng tao. Nakatalikod ito sa akin at alam kong kasalanan ko dahil ako ang bumangga sa kaniya. Pinulot ko ang cellphone ko at nakita kong umikot ang lalaki para harapin ako. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka singhalan ako nito rito. Nakakahiya, ang dami pa namang tao.

"Farah?" mabilis akong napatayo nang marinig ang pamilyar na malalim ngunit magandang boses.

"Terrence?!" gulat na bulalas ko.

"I hoped you didn't bump me on purpose," nagbibirong komento nito. Agad namang nag-init ang mukha ko dahil sa hiya.

"Sorry, Terrence. Kausap ko kasi si Leah kaya hindi ko napansin na nariyan ka pala," kabadong dispensa ko. Pero wala naman akong maaninag na pagkainis sa mukha niya, bagkus ay mas mukha pa nga siyang naaaliw.

"It's alright. Alam ko namang hindi mo sinasadya. By the way, saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka?" tanong nito sa akin. Pero hindi ako nakasagot agad dahil naalala kong magkausap pa pala kami ni Leah. Naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko sa kabilang linya.

"Leah, sorry, nakabangga kasi ako habang naglalakad. Sige na patayin mo na at pupuntahan na kita riyan," sabi ko. Dinig kong tila nakahinga ito ng maluwag.

"O, sige. Akala ko pa naman ay kung ano na ang nangayari sa iyo riyan. Sige na, see you!" sabi pa niya bago pinutol ang tawag.

"So?" untag ni Terrence.

"Pupunta ako kay Leah. Naroon siya sa office ni sir Keiner. May kailangan kasi siyang ayusin sa grade niya," sagot ko. Tumango-tango ito.

"Okay. Sasamahan na kita. Tapos na rin naman akong mag-inspect sa site at palabas na sana ako kung hindi tayo nagkita," pagpipresenta nito. Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Paano ko ba sasabihing hindi puwede dahil magagalit si Lance? Baka nga ngayon ay nakita na ng mga itinalaga niyang bantay ko na magkausap kaming dalawa. Napaka-possessive pa naman no'n.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now