CHAPTER 33 Her Happiness

2.2K 43 0
                                    

"Do you really have to work?" malambing na tanong niya habang nasa biyahe na kami pauwi," tiningnan ko siya at saka ibinaba ang kamay kong may hawak na cellphone. Nag-reply kasi ako sa message ni Leah kanina.

"Bakit mo natanong?" pero sa halip na sagutin ako ay bigla na lang siyang nanghahalik sa leeg. Kaya napalingon ako sa driver niya, na nasa daan lang naman ang atensiyon.

"Lance!" mahinang saway ko sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya para bahagyang ilayo sa akin.

"Stop working please. Wala ka ng time sa akin. Ako na lang magbibigay ng pera sa iyo pagkatapos ako na lang atupagin mo!" mapanghibong sabi niya saka akmang muling hahalikan ako pero pinigilan ko siya.

"At anong palagay mo sa akin pokpok? Bibigyan mo ako ng pera kapalit ng aliw?" pabiro lang iyong pagkakasabi ko pero dumilim ang mukha niya at saka dumiretso ng upo. Napagdikit ko tuloy ang mga labi ko dahil bigla akong kinabahan. Sumungit kasi iyong awra niya at nahaluan ng lambong ang mga mata niya.

"Kailan ka pa natutong magsalita ng ganiyan? Don't you ever call yourself that way again! Wala akong ibig sabihin na gano'n!" humalukipkip siya at salubong ang kilay na bumaling ang tingin sa daan. Mukha siyang galit kaya napapangiti ako.

"Uy, nagtatampo ka ba?" pero hindi niya ako pinansin. "Kapag hindi mo ako kinausap bababa ako rito tapos uuwi na ako mag-isa," kunwari ay pagbabanta ko. At dahil doon ay marahas siyang napalingon sa akin at naningkit ang mga mata. Halos magdikit na iyong dalawang kilay niya sa sobrang pagkakakunot ng noo niya. Pero gano'n pa man guwapo pa rin, siyempre! Kainis!

"I'm just concerned here kaya ayaw kong magtrabaho ka. Isa pa, hindi mo naman na kailangang magtrabaho. Your father can provide anything you need and want right now. And I am also here! Pero sa halip na ma-appreciate mo ang pag-alala ko, kung ano-ano iyang pinagsasasabi mo!" nagtatampong pahayag niya. Sinalubong ko ang tingin niya at saka ngumiti sa kaniya. Pero inirapan niya lang ako. Mahirap talagang nagtatampo ito, eh. Gusto sinusuyo. Minsan hindi ko talaga ma-gets kung sino ang babae sa aming dalawa, eh.

"Okay, sorry na! Huwag ka nang magtampo. Sige, bukas na bukas din magre-resign na ako, okay?" sa huli ay ako na lang ang nagpakumbaba. Naiintindihan ko naman na concerned lang din siya. Saka bumalik lang naman ako sa trabaho kasi gusto kong gawing busy ang sarili ko para hindi ko siya maisip. Akala ko kasi hindi na talaga kami magkakabalikan.

"Are you sure? Baka bina-bluff mo lang ako, ah!" nagdududang tanong niya.

"Oo nga! Ano ba'ng gusto mong gawin ko para patunayang totoo ang sinasabi ko?" naninigurong sagot ko. Pero napataas ang kilay ko nang sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi niya.

"Doon ka sa penthouse ko matulog ngayong gabi," malapad ang ngiting saad niya. Muntik na akong masamid dahil kitang-kita ko ang kapilyuhan sa mga mata niya. May naiisip na namang kalokohan ang lalaking ito.

"Ayoko nga! May pasok ako bukas, siguradong hindi mo na naman ako patutulugin! Naku, Lance, kilala kita kaya tigilan mo ako!" pero agad nalusaw ang mga ngiti niya at parang batang sumimangot. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigil ko ang sarili ko.

"See? Ni hindi mo kayang patunayan ang sinasabi mo," masama ang loob na pahayag niya at muling umiwas ng tingin sa akin. I rolled my eyes and looked at him. But he wasn't looking at me again.

"Fine! Fine! Payag na ako. Pero isang beses ka lang puwedeng umiskor, ah!" pagpapahinuhod ko. Unti-unti ay napangiti na siya saka muling akong tiningnan. Wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan na lang siya. Kasi kahit ano pa'ng tanggi ko, gagawa at gagawa rin naman siya ng dahilan para ipitin ako at mapapayag sa gusto niya. Naku, kung hindi lang talaga kita mahal! Naisaisip ko.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon