Chapter 20 Mystery Unlocked

2.6K 52 0
                                    


Wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. Nakangiti siya sa akin pero hindi naman siya mukhang nagbibiro. Ano ulit iyong sinabi niya? Gusto niya akong maging totoong girlfriend?

"Pinaglalaruan mo ba ako?" hindi ko maiwasang matanong. Hindi ko rin napigilan ang paggapang ng inis kasabay ng pagkalito. Napaunat siya sa pagkakaupo at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila tinitimbang ang nararamdaman ko ngayon. Sa huli ay ako rin ang sumuko at nag-iwas ng tingin.

"Gusto mo bang maging girlfriend ko?" bahagyang sumeryoso ang mukha niya nang itanong iyon. "At isa pa, hindi kita pinaglalaruan. Tinatanong kita," dagdag pa niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at ilang beses kumurap. Napalunok pa ako nang bahagyang kumunot ang noo niya. Bumuntong hininga ako at napailing na lang.

"Ayaw mo? Tumatanggi ka sa akin?" bigla akong kinabahan dahil wala na ang ngiti sa mga labi niya. Sa pagkakataong ito ay seryosong-seryoso na ang mukha niya. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bigla ay parang nawalan ako ng ganang kumain dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Maging ang mga daliri ko yata sa mga paa ay nanlalamig na.

"Bakit mo naman ako gustong maging girlfriend? Saka anong pagkakaiba no'n? Mas masahol pa nga sa magkasintahan iyong mga ginagawa natin," mahinang sagot ko. Nagulat ako nang bigla itong tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi kaya mas sira na ang tuktok ng lalaking ito? Kanina nakakatakot ang kaseryosohan ng mukha niya. Ngayon naman biglang tumatawa. Parang may sakit!

"That's one thing I like about you, Farah. You're always saying what's on your mind. Well, ano'ng pagkakaiba? You will be my equal and our contract will be void because we will be officially dating. May karapatan ka nang magselos at mas may karapatan na akong pagbawalan kang madikit sa ibang lalaki. Okay na bang paliwanag iyon?" naninimbang na tanong niya, pagkatapos sabihin ang punto niya. Nakuha ko naman, pero sa pagkakaalam ko hindi gano'n iyon. Ang babae nililigawan upang malaman niya kung karapat-dapat ba siyang pumasok sa isang relasyon o handa ba siyang ipagkatiwala ang sarili niya sa ibang tao.

"If we are equal, then you can no longer order me around. Puwede kong gawin ang gusto ko at puwede akong magdesisyon sa dapat kong gawin na hindi na kailangan ipaalam pa sa iyo. At higit sa lahat hindi mo ako puwedeng pilitin sa kahit na anong bagay na ayaw kong gawin," dire-diretsong saad ko. Nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay at saka unti-unting tumango. Nagliwanag ang mukha ko.

"Fine! Ano pang kundisyon mo?" tanong niya. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Si Lance ba talaga itong kausap ko? Totoo bang tinatanong niya ako kung ano'ng gusto kong mangyari? Naku sana naman hindi magbago ang isip niya kinabukasan. Parang hindi pa rin kasi ako makapaniwalang malaya na akong gawin ang gusto ko basta hindi nalalabag ang gusto niya.

"Bakit mo ba ako gustong maging girlfriend? Obviously hindi mo naman ako mahal at ganoon din ako sa iyo. So, ano talagang dahilan?" mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung masama ba iyong tanong ko dahil dumilim ang mukha niya. Maging ang mga mata niya ay kababakasan ng galit. Bigla tuloy dumagundong ang dibdib ko at muling nakaramdam ng takot sa kaniya. Bigla ay pinagsisisihan ko talagang hindi mapigil itong bunganga ko minsan.

"Girlfriend na kita kaya wala na tayong dapat pag-usapan ukol doon," pagalit na sabi niya at saka tumayo na at iniwan akong mag-isa. Natulala ako sa ginawa niya. Bigla ay napatitig ako sa mga pagkain na nasa harapan ako. Ano bang nasabi ko na ikinainis niya? Nagtatanong lang naman ako 'di ba? Saka totoo namang hindi niya ako mahal. Ni hindi nga niya ako gusto dahil para sa kaniya pangkama lang ako.

"Ma'am..." naagaw ang atensiyon ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Si aling Ynez pala, iyong tagaluto rito. Nginitian ko siya nang dumako siya sa harap ko.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now