Chapter 18 His Gentle Touch

2.8K 50 0
                                    

Walang halong biro ang mga sinabi niya kanina habang kumakain kami. Pagkatapos ng hapunan ay may kinausap lang siya sa telepono at may mga pinirmahang papeles sa study room niya. Pagkatapos ay sinabihan akong antayin siya rito sa kuwarto niya habang siya naman ay nasa shower. Pagkatapos kong mag-toothbrush kanina ay dumiretso na ako rito. Para akong kinakabahang ewan. Kahit alam ko naman kung ano ang mangyayari, pero dahil sa paraan ng pag-angkin niya sa akin dati ay hindi ko maiwasang pagharian ng takot sa dibdib. Lalo na at hindi iisang beses niya lang iyon ginawa sa akin.

Bahagya akong napapitlag nang bumukas ang pintuan ng banyo at iliuwa niyon si Lance na nakasuot ng itim na roba. May hawak itong asul na tuwalyang siyang ipinantutuyo niya sa kaniyang buhok.

"You looked tensed. Are you afraid of me, Farah?" he teased. His voice is so sensual that I had to swallow my saliva twice. He turned off the main lights and turned on the mood light. Pinanood ko siya habang patungo siya sa kaniyang audio set. Nag-play ng sweet music. Napatitig ako sa kaniya habang siya ay papalapit sa akin.

"Tinatanong kita, Farah. Natatakot ka ba sa akin?" malambing na tanong niya. Nakatayo na siya sa harap ko at marahang hinahaplos ang aking pisngi.

"Mayroon ba akong dapat na ikatakot sa iyo?" balik-tanong ko. Kumunot ang kaniyang noo at bahagyang yumuko para ilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Alam kong naging gago ako dahil nasaktan kita. I was so damn jealous that time. At ayaw na ayaw kong nagseselos. Naiintindihan mo ba?" mahinang sabi niya at magaan akong hinalikan sa mga labi. Nagseselos daw? Bakit naman siya magseselos? Eh, parausan lang naman niya ako, 'di ba?

"Wala naman akong ginawang masama," ewan ko kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko. Bigla ko lang naisip na sinaktan niya ako kahit wala naman akong ginagawang masama. At iyon ay dahil lang daw sa selos niya. Ni wala nga siyang karapatang magselos dahil hindi ko naman siya boyfriend. Tumiim ang bagang niya at walang pagpipigil na sinakop ang mga labi ko. Unti-unti niya akong inihiga habang palalim nang palalim ang mga halik niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Hindi gaya ng dati, masuyo at walang dahas ang bawat galaw niya ngayon. Puno ng pag-iingat at pagkabanayad. Kaya kahit ayaw ko sanang tumugon ay nadadala ako sa marahang paghagod ng mga labi niya sa aking mga labi.

Nang mag-umpisang gumapang ang kamay niya sa mga dibdib ko ay bumigat ang paghinga ko. Pinakawalan niya lang ang mga labi ko nang maubusan na ako ng hangin. Bumaba ang mainit niyang halik sa panga ko hanggang sa leeg na nagpapatayo ng mga balahibo sa katawan ko. Kakaibang kiliti ang hatid ng mga labi at dila niyang dumadampi sa aking balat.

I gasped loud when he sucked a space between my collarbone and shoulder. Kakaibang kilabot at kiliti ang dulot niyon na parang kuryenteng nagpapainit sa pagitan ng aking mga hita. Habang patuloy ang paghalik na may kasamang paghagod ng mainit at malapad niyang dila sa leeg ko ay unti-unti na rin niyang inaalis ang suot kong pantulog. At nang bumulaga ang dibdib ko sa harapan niya ay agad itong kinubkob ng dalawa niyang palad. Sapat para makulong ang mga ito at maghatid ng kakaibang init at kiliti sa aking mga dibdib na nagpatigas at bahagyang nagpapintog sa aking mga utong. Napaungol ako sa marahan niyang pagpisil at paglalaro paikot ng mga daliri niya sa tuktok ng mga ito. Kahit malamig ang hanging nagmumula sa aircon ay ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko dahil sa init na dulot ng mga ginagawa niya s a akin.

"Ahh..." hindi ko maiwasang mapaungol nang isubo niya ang isa sa mga utong ko habang patuloy na nilalaro-lapirot ng daliri niya ang kabila. Nang dumiin ang pagsipsip niya roon ay halos mapatid na ang hininga ko at napasabunot na ako sa buhok niya. At di ko na namalayan pa ang aking sarili na idiin ang kanyang ulo upang mapaigting pa ang sensasyon lumulukob sa aking diwa dahil sa ginagawa niyang pagpapala sa aking mga suso. Isa ito sa aking kahinaan at mabilis magpataas ng king libido. "Uunngg..." lalong humaba ang pigil at impit na ungol-daing na kumakawala sa aking mga bibig.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now