Chapter 6 Meeting a Wicked

2.9K 54 0
                                    


Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period.

Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa itsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store.

"Lance! What a pleasant surprise! Ang tagal na nating hindi nagkita, nagtatampo na nga ako sa iyo e," masayang salubong no'ng babae kay Lance at yumakap pa ito sa kaniya at humalik sa pisngi. Ni hindi nga yata napansin ang presensiya ko dahil ang buong atensiyon niya ay na kay Lance lang.

"It's nice to see you, too. By the way this is Farah. Farah this is Angeli Acosta, the owner of this store and a close friend of mine," pakilala ni Lance sa aming dalawa. Nang lingunin ako ni Angeli ay nakataas ang kilay nito saka ako sinipat mula ulo hanggang paa. Naasiwa tuloy ako sa uri ng tingin niya.

"Sino siya, Lance?" tanong nito na halatang hindi natutuwa sa akin. Ikinapit pa niya ang dalawang kamay sa braso ni Lance saka idinikit ang katawan dito na parang may gustong ipahiwatig sa akin.

"Well, let's just say that she's a special friend," nakangiting sagot ni Lance. Muntik ng lumundag ang puso ko nang bigla niya akong pasimpleng kindatan. Bigla tuloy nagulo ang utak ko sa ginawa niya.

"A special friend... or another bedwarmer?" sarkastikong tanong ni Angeli. "Oh, just kidding. So, how could I be of help?" pag-iiba nito. Alam kong gusto niya lang akong insultuhin sa sinabi niya. Pero hindi naman ako makakakontra dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi rin masiyadong nag-react si Lance dahil palagay niya siguro ay nagbibiro lang ito. Pero sa isang babae, may kutob na akong hindi ako gusto ni Angeli.

"I want you to help her pick some clothes and dresses for all kinds of occasions. We also need apparels, shoes and other accessories that your store can offer," paliwanag pa ni Lance sa kaniya. Tumatango-tango lang si Angeli habang nagsasalita si Lance. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at pasimple akong iniirapan.

"Alright. That would be very easy. Wait for me here and I will pick some dress and show her," paalam nito at mabilis na umalis at nagtungo sa hilera ng mga damit. Ilang minuto lang ay may mga bitbit nang iba't ibang damit iyong dalawang tauhan niya.

"Try these first," sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Angeli dahil sa mga damit na ipinapakita niya ngayon sa akin.

"I-I'm sorry, Angeli, pero hindi ako nagsusuot ng mga damit na halos labas na ang kaluluwa ko," magalang na tanggi ko sa kaniya. Lalong nagdilim ang timpla niya at wari ay lalong nainis sa akin. Pero totoo naman. Hindi ko kayang magsuot ng mga gano'n. Hindi naman ako sobrang conservative pero ayaw ko lang talaga ng mga masiyadong revealing na mga damit.

"Oh my gosh, these are the trending these days!" pangangatuwiran pa nito. Kung siya sanay magsuot ng mga iyan, puwes ako hindi. Maaaring gipit kami sa pera ngayon, pero noong kalakasan ng negosyo ni daddy ilang beses na rin akong naka-attend ng local and international fashion shows. Kaya hindi naman ako tatanga-tanga when it comes to choosing outfits to wear.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWo Geschichten leben. Entdecke jetzt