Chapter 22 Gentlemanly Gesture

2.3K 37 0
                                    


Napalunok ako habang papalapit si daddy sa aming kinaroroonan. Kanina ay titig na titig siya kay Lance. Ngayon naman ay nabaling ang atensiyon niya sa akin. At gaya ni mommy ay nagtatanong din ang kaniyang mga mata.

Nagkatinginan kami ni Lance. Ngumiti ito sa akin na parang sinasabing walang problema at dapat lang akong kumalma. Malamang ay ramdam rin siguro niyang bigla akong kinabahan.

"Totoo ba ang narinig ko, Farah, anak?" tanong sa akin ni Daddy. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa paharap sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango.

"Opo, daddy. At nagpunta po kami dito ngayon para sabihin sa inyo ang lahat," magalang kong pag-amin. Hindi siya agad nagsalita bagkus ay saglit na nilingon si Lance saka muling tumingin sa akin. Umangat ang kanang kamay niya saka humaplos sa pisngi ko.

"Daddy, may problema po ba?" mahinang tanong ko. Hindi ko kasi masiyadong mabasa ang emosyong nasa mga mata niya ngunit may nasisilip akong lungkot doon. Ayaw ba niya kay Lance? O, baka kaya naman ay hindi siya pabor na magka-boyfriend ako.

Umiling siya at bahagyang tumingala upang pigilan ang pagsungaw ng mga luha niya. "Hangad ko lang ay ang maging masaya ka anak. Alam kong sobra-sobra ka nang nahihirapan dahil sa nangyari sa akin at sa pagkawala ng lahat na dati ay mayroon tayo. Pero kahit kailan ay hindi ka nagreklamo. Kahit alam kong pagod na pagod ka na rin sa pagbabalanse ng trabaho at pag-aaral mo, hindi kita nakakitaan ng anumang pagsuko o panghihina. Hindi ko alam kung ayaw mo lang iyong ipakita sa akin o sa amin. Pero gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sa iyo, para sa inyong dalawa," madamdaming pahayag ni daddy. Ako naman ay hindi na namalayang lumuluha na pala sa mga sinabi niya. At sa isang iglap ay biglang nagbalik ang lahat sa akin. Iyong mga panahong bigla na lang akong iniwan ng mga inaakala kong mga kaibigan ko nang malaman nilang pabagsak na ang negosyo namin dahil sa biglang pagkakasakit ng daddy ko. Iyong kinailangan naming ibenta ang halos lahat ng properties namin para lang maipagamot si daddy pero kulang pa rin. Itong bahay at lupa na lang ang natitira sa amin kaya kinailangan ko ring mamasukan habang nag-aaral para pandagdag sa panggastos dito sa bahay. Pinaalis din namin lahat ng katulong pati driver dahil wala naman na kaming ipampasahod sa kanila. At isa pa, naibenta na rin naman lahat ng mga sasakyan namin at iyong nag-iisang SUV na lang ang natira. Lahat iyon nanumbalik sa gunita ko hanggang sa natagpuan ko na lang ang sariling umiiyak habang nakasandal ang ulo ko sa kandungan ni daddy. Banayad naman siyang humahaplos sa ulo ko.

"Lance, sana'y huwag mong sasaktan ang aking anak. Marami na siyang dinanas na hirap at hindi ko na nais pang madagdagan iyon," narinig kong sabi ni daddy. Nag-angat ako ng mukha at pinahid ang mga luha sa magkabilang kong pisngi. Tumayo ako at marahang itinulak ang wheelchair ni daddy. Aking itinabi ito sa kinauupuan ni mommy. Pagkatapos ay bumalik ako sa tabi ni Lance at muling naupo. Sumisinghot-singhot pa rin ako dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Huwag po kayong mag-alala, sir. Simula ngayon ay kasama na ako sa mga taong mag-aalaga, magmamalasakit at magsasanggalang kay Farah. Hinding-hindi ko po hahayaang masaktan pa siyang muli," napalingon ako kay Lance dahil sa isinagot niya kay daddy. Napakaseryoso niya pero hindi ko alam kung totoo ba iyong mga sinabi niya. O, baka naman sumagot lang siya ng gano'n para hindi mag-alala ang mga magulang ko? Pero, okay na rin, dahil ayaw ko naman talagang mag-worry pa sila dahil sa akin.

"Maraming salamat, hijo. Pero puwede bang tito na lang ang itawag mo sa akin, tutal ay nobyo ka naman na ng anak ko. Ang tanong ko lang ay paano na ang trabaho niya sa iyo? Tuloy pa rin ba iyon kahit na magkasintahan na kayo?" tanong ni daddy. Napalunok ako kasi wala naman talaga akong trabaho kay Lance dahil hindi naman talaga gano'n ang totoong set-up namin noon.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now