Chapter 28 Strange Behavior

1.8K 34 0
                                    


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napatango ako sa alok niya. Bumaba si Terrence at ipinagbukas ako ng pintuan ng kotse.

"Thanks," nasambit ko pa nang makasakay na. Mabuti na lang talaga at nadala ko itong dark shades ko kaya at least hindi niya kita ang sobrang pamumula ng mga mata ko. Tinakbo niya ang driver's seat at mabilis na sumakay at pinaandar ang sasakyan.

"So, saan kita ihahatid?" nakangiting tanong niya. Bumuntong-hininga ako pero hindi ko siya nilingon.

"I want to eat ice cream. Tara sa Snow shop, kung okay lang sa iyo," sabi ko. Nanatiling nakatitig lang ako sa kawalan. Ramdam ko rin ang mga paninitig niya pero hindi ko siya nililingon.

"Alright," dinig kong sambit niya saka binilisan pa ang takbo ng sasakyan. Halos kinse minutos lang ay narating na namin iyong ice-cream shop. Hindi ko na hinintay na makababa siya para ipagbukas ako ng pintuan at kusa ko na itong binuksan at bumaba. Dumiretso ako sa loob at tiningnan ang mga available na flavors.

Nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko ay nilingon ko siya.

"Ikaw, ano'ng flavor ang gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Bahagya niyang sinilip ang malaking transparent na chest freezer.

"I like mocha coffee flavor," sagot niya pagkatapos. Tumango lang ako saka inilabas sa freezer ang napili niyang flavor. Strawberry flavor ang pinakaayaw kong ice cream kaya iyon ang kinuha ko. I don't even know why I did that.

Lumapit ako sa cashier para bayaran ang mga kinuha ko. Bago pa ako makapaglabas ng pera ay iniabot na agad ni Terrence ang card niya. Wala ako sa mood makipagtalo sa kaniya kaya hinayaan mo na lang. Siya na rin ang nagbitbit ng mga iyon saka kami naupo sa pinakasulok.

"So, are you going to tell me what happened?" hindi rin siya nakatiis at biglang nagtanong. Well, wala naman talaga akong balak kausapin siya kung hindi siya magsasalita. I just want to eat something sweet pero dahil sa tila maliliit na kirot sa dibdib ko ay ni hindi ko malasahan ang kinakain ko.

"Nothing. I just miss eating ice cream," balewalang sagot ko. Tumigil siya sa pagsubo at inilagay sa ibabaw ng ice-cream niya iyong maliit na kutsara.

"First, you came with me which is really strange of you these days. Second, you chose the ice cream flavor that you despise the most and third, you're not being yourself right now. That's why I'm more than sure that there's something wrong," sabi niya. Ako naman ngayon ang napahinto sa pagkain saka tumingin sa kaniya.

"Sabihin mo sa akin, Terrence, do you like me?" diretsahang tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon biglang natanong. Baka nababaliw na ako. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang halikan nina Lance at Hailey. That moment was a dagger straight to my heart and wounded my soul.

Matagal akong tinitigan ni Terrence saka nagbuga ng hangin.

"What if I do? Ano'ng gagawin mo?" balik tanong niya sa akin? Ano nga ba? Hindi naman talaga ako interesadong itanong iyon. I just felt like I'm not worthy to be loved after what I saw earlier.

"Then, why? Why do you like me out of so many rich, more beautiful, and sophisticated women out there?" I challenged him. But he didn't budge and looked straight to my eyes.

"I liked you even back to our high school days. Kaya lang masiyado ka pang bata noon. At ngayong handa na akong ligawan ka, pag-aari ka naman na ng iba. I'm so sorry for what happened last time. I'm sorry kung ako ang naging dahilan kung hindi kayo okay ngayon," malungkot niyang pahayag. Nag-iwas ako ng tingin at mariing lumunok. Actually, wala naman siyang kasalanan. Ang masakit pa nga ay ang sarili ko ang sinisisi ko ngayon. Maybe I wasn't good enough that's why Lance could easily forget me and find another girl.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRDove le storie prendono vita. Scoprilo ora