Chapter 9 Giving in

3K 59 0
                                    


Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw.

Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw.

Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag.

"Hi, where are you?" bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.

"Palabas na ako ng school. Katatapos ng huling exam ko para ngayong araw," tugon ko. Bakit ba naghuhurumentado ang puso ko?

"I'm waiting for you here. Dito mismo sa labas ng gate," sabi niya at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. So, this is it. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinakabahan gayong para sa akin ay malala na nga iyong ginawa namin ng dalawang gabi. Ni minsan sa hinagap ko ay hindi ko naisip na gagaiwn ko ang ganoong bagay. Iyon nga iyong tinatawag nilang cybersex. Pero bakit gano'n, imbes na mandiri ako sa sarili ay tila nagugustuhan ko pa iyon? Dahil ba sinusunod ko lang ang utos niya at takot akong magalit siya?

"Hey, are you still there?" untag niya dahil hindi nga pala ako nagsalita. Huminga ako ng malalim saka determinadong ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Malapit na ako riyan," sagot ko saka pinatay ang tawag.

Napansin ko ang kulay itim na Range Rover na pick up sa gilid ng gate. Bahagyang nakabukas ang pintuan sa may driver's seat at alam kong siya iyon kahit hindi ko pa man siya nakikita. Binilisan ko ang paglapit doon dahil baka naiinip na ito. Akala ko pa naman ay mamayang gabi pa kami magkikita. Alas singko pa lang ng hapon at hindi ko inaasahang susunduin niya ako rito. Akala ko nga ay ite-text lang niya ang address kung saan ko siya pupuntahan.

Bumaba siya ng sasakyan. Marahil ay nakita na niya akong paparating. Halos mapahinto ako sa paglalakad nang makita ang kabuuan niya. Nakasuot lang siya ng black jeans at dark blue na t-shirt. Bakat ang maganda niyang mga balikat at dibdib sa suot niyang damit at lalo akong namangha nang mapadako ang tingin ko sa mukha niya. Blue din ang shade ng salamin niya na lalo pa yatang nagpaguwapo sa kaniya. Napapalingon pa nga ang mga babaeng nagdaraan at ang iba ay sinasadya siyang tapunan ng mga mapang-akit na tingin. Hindi naman niya pinapansin ang mga ito dahil nakatutok lang ang paningin niya sa akin hanggang marating ko ang kinaroroonan niya.

"Kanina ka pa ba?" mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya.

"Maybe ten or fifteen minutes," aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod.

"Thanks," nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver's seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako.

Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now