Chapter 23 Falling for You

2K 34 0
                                    

Hinintay ko sa labas ng VIP cubicle ang pagdating ni Lance. Kinakabahan kasi ako dahil baka magkagulo pa rito.

Alanganin akong napangiti nang makita ang pagpasok ni Lance sa coffee shop. Dumiretso ito sa counter upang magtanong sana pero nang makita niya ako ay hindi na siya tumuloy. Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Madilim din ang awra nito kaya napalunok ako.

"Hi," nausal ko. Seryoso lang itong nakatitig sa akin pagkatapos ay bigla akong hinalikan. Sa sobarng gulat ko ay natulala ako at hindi nakagalaw agad. Saka ko naalala kung nasaan kami kaya bahagya ko siyang itinulak palayo.

"I'm so mad right now, Farah. Gustong-gusto kong basagin ang bungo ng lalaking iyan! Ano'ng karapatan niyang i-date ang girlfriend ko?" pagalit na tanong nito.

"Lance, it's not a date. Besides, kasama ko si mommy, ano ka ba! Kumalma ka nga," naiiritang reklamo ko. Alam kong may pinaghuhugutan siya sa nakaraan pero minsan OA na siya.

"Paano ako kakalma kung hindi tumitigil ang lalaking iyan sa kadidikit sa iyo? I knew it, even from the beginning. Alam kong may gusto sa iyo iyang gagong iyan," halos maglagutukan na yata ang mga ugat niya sa leeg sa sobrang diin ng pananalita niya. ako naman ay parang biglang nawalan ng gana na ewan.

"Tara na sa loob. Naghihintay na si mama. Please, be civil and calm, okay? ayokong magkagulo tayo rito at baka kung ano pa ang isipin ni mommy," pakiusap ko sa kaniya. Hinapit niya ang baywang ko saka binuksan ang pintuan.

"Hello, tita..." bati niya agad kay mommy. Agad namang ngumiti si mommy nang makita si Lance. Kumulimlim naman ang itsura ni Terrence na halatang hindi masaya sa pagdating ni Lance. Parang bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa dalawang ito!

"Oh, Lance, hijo, paano mo nalamang narito kami? Ikaw ha, mukhang binabantayan mo yata talaga ang anak ko," natatawang biro ni mommy. Nagtataka naman ako kung bakit siya tumayo sa lumipat sa tabi ni Terrence.

Kaya sa huli ay magkatabi kami ni Lance at katapat namin sina mommy at Terrence. Pumasok din ang isang crew at kinuha ang order ni Lance. Pagkatapos ay lumabas din agad.

"I was around the area when Farah told me that you're here that's why I just decided to come and join you," suwabeng sagot ni Lance. Sinungaling! Sabi niya kanina nasa opisina siya. Nang malaman lang na kasama ko si Terrence bigla na lang nagdesisyong pumunta rito. I wanted so badly to roll my eyes but I prevented myself.

"Terrence, hijo, ito nga pala si Lance, boyfriend ni Farah. Lance, ito naman si Terrence La Cuesta, kaibigan ni Farah. Alam mo ba crush ni Farah itong si Terrence no'ng high school sila," masayang pakilala ni mommy, habang ako ay biglang namula at nataranta sa sinabi niya. Saka paano niya nalaman ang tungkol doon? Si Leah na naman siguro ang may kagagawan. Napakadaldal talaga ng babaeng iyon!

"Mom, bakit naman po kailangan ni'yo pang sabihin iyan," ninenerbiyos na reklamo ko. Hindi tuloy ako makatingin sa kahit na sino sa kanila.

"E, bakit ba? Noon pa naman iyon, saka matatanda na kayo. May boyfriend ka na nga, kaya sigurado akong pati itong si Terrence ay may nobya na rin. Sa guwapo ba naman niyang iyan, tapos architect pa. Siguradong maraming babae talaga ang magkakagusto riyan," tuloy-tuloy lang ang pagsasalita ni mommy at walang kaalam-alam sa tensyong namumuo sa pagitan naming tatlo nila Lance at Terrence.

"Hindi ko po alam na boyfriend na pala ni Farah ang boss niya? That's fast!" komento ni Terrence. Hindi ko alam kung bakit pero lalong tumiim ang mukha ni Lance at halatang hindi niya nagugustuhan ang sinabi ni Terrence.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRWhere stories live. Discover now